Advertisers

Advertisers

Fully vaccinated sa Maynila, malapit ng mag-1M – Isko

0 300

Advertisers

ANG bilang ng mga indibidwal na fully vaccinated sa Maynila ay malapit ng mag-1 million. Ito ay naganap isang linggo matapos maabot ng lungsod ang tinatawag na ‘population protection’ rate na 800,000.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno hanggang September 8, may kabuuang 931,902 indibidwal na ang fully vaccinated sa lungsod.

Base sa datos mula kay Vice Mayor Honey Lacuna at Manila Health Department (MHD) chief Dr. Poks Pangan, na kapwa nangunguna sa mass vaccination program ng lungsod ang kabuuang bilang ng mga naturukan ay 1,288,414 habang ang mga bakunang na-administer ay umabot na sa kabuuang 2,172,966.



Pinuri ni Moreno sina Lacuna at Pangan dahil sa ginagawa nitong hakbang para matiyak na lahat ng residente ay mabakunahan at matamo ang buong proteksyon na hatid ng COVID-19 vaccines.

Nagpasalamat din ang alkalde sa mamamayan ng Maynila sa pagtugon nito sa panawagan nila ni Lacuna na magpabakuna agad.



Sa kasalukuyan, ayon kay Moreno halos 100 porsyento ng mga nakatanggap ng kanilang first dose ay bumabalik para sa kanilang second dose upang makumpleto ang bakuna.

“Sama-sama tayo tungo sa tuluyang pagsugpo sa COVID-19 mga Batang Maynila! Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa sa ating #VaccineNation campaign,” sabi ni Moreno.



Sinabi ni Pangan, ang lungsod ay ginagamit na ang 45 health centers nito para sa mass vaccination program ng lungsod at ang mga ito ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon. Ito ay bukod pa sa apat na shopping malls na bukas naman mula alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Samantala ay umabot na sa 2,199,072 ang mga indibidwal na nagparehistro sa www.manilacovid19vaccine.ph hanggang September 6, 2021. (ANDI GARCIA)