Advertisers
ARESTADO ang anim (6) katao at nasamsam ang P1.2 bilyong halaga ng shabu sa magkakahiwalay na operasyong inilunsad kontra sa lahat ng uri ng ilegal na gawain at ipinagbabawal na gamot na pinamunuan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Major General Vicente D. Danao, Jr..
Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Division (RID), Regional Mobile Force Battalion (RMFB) at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) noong September 8, 2021 ang iba’t ibang uri ng baril at mga piyesa nito at bala sa operasyong nagsimula sa Cubao, Quezon City na umabot sa Sta. Maria, Bulacan.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591, Sections 28 (Unlawful Acquisition, or Possession of Firearms and Ammunition) at Sec. 32 (Unlawful Manufacture, Importation, Sale or Disposition of Firearms or Ammunition or Parts) ang mga naarestong sina Mark Anthony Verona Jumadiao, Paquito Alberto Salvadiro, Benjamin Postrada Sosa, Noel Cuaresma Nicolas, Louie Ocampo Pavia, Nathan Arante Nicolas at Remyna Bianca Palapar Lamorena.
Samantala, 181 kilos ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.2 bilyon ang nasamsam sa buy bust operation noong September 9 dakong 9:27 ng gabi sa Molino 3, Bacoor, Cavite.
Matagumpay na napigilan ng mga operatiba mula sa Philippine Drug Enforcement Agency, Armed Forces of the Philippines- Task Force NOAH, Bureau of Customs at National Intelligence Coordinating Agency ang tangkang pagbiyahe ng droga na nakabalot sa Chinese-labelled packs patungo sa katimugang bahagi ng bansa.
Ang mga suspek na sina Danilo Untavar, 51 anyos; at Basher Bangon, 59, ay napatay ng mga operatiba nang manlaban sa gitna ng operasyon.
Batay sa intelligence report, si Bangon ay top-level drug personality at lider ng Basher Drug Group. Ang mga suspek ay bodegero umano ng Chinese Drug Trafficking Group na nakabase sa Zambales, kungsaan apat (4) na Chinese drug dealers ang napatay ng mga awtoridad sa engkwentro kamakailan.
“I would like to give stern warning to everyone especially itong mga drug pushers. Well sabi nga sa inyo, our government will never stop, we will never cease in our campaign against all forms of criminality lalong lalo na sa illegal drugs, terrorism and illegal possession of firearms. Hindi po tayo titigil n’yan. This will be a No Let Up campaign against all forms of illegal drugs. And if you will fight it out with our law enforcement agencies, isa lang ang pupuntahan ninyo,” pahayag ni NCRPO chief Danao.
Maliban dito, pinasalamatan ni Danao ang mga operatiba mula sa iba’t ibang ahensiya sapagkat napigilan ng grupo ang posibleng paggamit sa drug money kaugnay sa nalalapit na eleksyon sa 2022.