Advertisers
SIYAM na beses na mas malaki ang P8.68-billion kontrata ng kontrobersyal na Pharmally Pharmaceutical firm para sa mga medical supplies na binili ng pamahalaan kaysa budget ng Office of the Vice President ngayong taon.
Ayon ito kay Vice President Leni Robredo bilang pananaw sa umano’y overpricing sa pagbili ng gobyerno ng COVID-19 supplies noong 2020 para sa COVID-19 response ng Department of Health, na kasalukuyang iniimbestigahan sa Senado.
Ani VP Leni, ngayong 2021, ang budget ng kanyang opisina ay P908.79 million lamang, halaga na kanilang ginamit para makatulong din sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Binatikos din ni VP Leni ang pagbili ng mga naturang medical supplies at tila lumala pa ang mga alegasyon ng katiwalian ngayong pandemic.
“Ano pa ba ang mas lalala na lumalabas na grabe ‘yung corruption na nagkakamatayan yung mga tao. Bakit ganito? Ang daming nagugutom, ang daming nawawalan ng trabaho, tapos pagkakakitaan ninyo,” ani Robredo.