Advertisers

Advertisers

Hati-hating pwersa

0 559

Advertisers

TULUYANG nalusaw ang naghaharing koalisyon ni Rodrigo Duterte. Hindi na ito ang kontra-rebolusyonaryong lakas ng mga populista, pasista, at ng maka-Kanan grupo na pawang itinabi ng biglaang sigwa ng pagbabalik ng demokrasya sa bansa. Naghiwalay at nagkanya-kanya ang mga lapian at grupo kontra sa 1986 Himagsikan sa EDSA. Kanya-kanyang ambisyon ang mga lider ng koalisyon ni Duterte kaya kanya-kanyang direksyon.

Nawala sa hulog ang koalisyon na nagdala kay Duterte sa tagumpay noong 2016. Naunang kumawalla si Mane Pacquiao at dinala ang isang paksyon ng PDP-Laban na pinamumunuan ni Koko Pimentel upang ilunsad ang kandidatura sa pangulo sa halalan sa 2022. Sumunod si Ping Lacson at kaalyadong Tito Sotto upang buuin ang tambalan ng Reporma, isang natutulog na lapian na muling binubuhay upang lumahok sa 2022.

Inilunsad na ang kandidatura ni Francisco Domagoso, ang alkalde ng Maynila na mas kilala sa alyas na Isko Moreno. Binuhay ni Isko ang halos patay na lapian – Aksyon Demokratiko. Ganyan ang ginawa ni Bongbong Marcos na binuhay ang naghihingalong Kilusang Bagong Lipunan (KBL). Mukhang hindi pumayag ang pamilya Villar na gamitin ang Lapiang Nacionalista upang ilunsad an inaasahang pagpasok niya sa bakbakan.



Iisa ang mukha ng mga kandidato na galing sa koalisyon ni Duterte. Hayagan nila pinayagan si Duterte na maghasik ng lagim sa ilalim ng madugo ngunit bigong digmaan laban sa droga. Hindi sila tumutol kahit minsan sa mga extrajudicial killings (EJKs). Sa maikli, may dugo sa kanilang mga kamay. Bahagi sila ng bigong giyera kontra droga ng administrasyong Duterte..

Samantala, inilunsad ng mas malaking paksyon ng PDP-Laban, o paksyon ni Alfonso Cusi, ang kandidatura ni Bong Go, ang hindi humihiwalay na alalay ni Duterte. Kasama ni Bong Go si Rodrigo na bubuo sa tinatawanang tambalan ng alalay at amo. May mga espekulasyon na sa bandang huli, papalitan ni Sara, alkalde ng Davao City, si Bong Go na bababa upang maging kandidato bise presidente ng Grupong Davao.



Kung hindi malulutas ang suliranin ng Grupong Davao, maaaring tumakbo si Sara ng hiwalay sa tiket ng kanyang ama at gamitin ang Hugpong ng Pagkakaisa bilang lapian. Maaaring katambal ni Sara sa sariing tiket ang sinuman kay BBM o Imee. Nandiyan din si Sherwin Gatchalian na naglalaway na maging katambal.

Magulo ang mga grupo at pulitiko na dating kasama sa naghaharing koalisyon. Masahol pa si Duterte sa isang lumpong pato (lameduck)) dahil hindi na siya pinapansin. Nasa huling walong buwan na si Duterte sa poder at sari-saring batikos at maanghang na salita ang ibinabato ng mga dating kasama. Nangunguna si Dick Gordon sa pakikipagbungangaan kay Duterte.



Mukhang napikon si Duterte sa tindi ng tuligsa sa kanya at pinakawalan niya ang huling alas na baraha. Gagamitin niya umano ang Sandatahang Lakas upang Maging “maayos at tahimik” ang susunod na halalan. Pinagtawanan si Duterte sapagkat marami ang naniniwala na hindi magpapagamit sa kanya ang mga sundalo at pulis.

Pabor sa pwersang demokrasya, partikular sa oposisyon, sa pagkahati-hati ng naghaharing koalisyon. Nanganganib na mahati ang oposisyon dahil sa maling diskarte ni Leni Robredo.

Hindi maintindihan ng marami sa oposisyon ang pakikipag-usap ni Leni kina Ping, Mane, at Isko. Walang malinaw na kinahitnan ang kanyang pakikipagtalastasan ni Leni sa mga pulitikong hindi kabilang sa oposisyon. Hindi oposisyon si Ping, Mane, at Isko, ayon sa mga tagamasid. Pumuposisyon lang sila sa hangaring makatsamba sa 2022, anila.

Naglayag mag-isa si Leni at hindi kinunsulta ang sinuman sa oposisyon. Alyansa sa hangin ang kanyang napala, ani Dante Zamora, ang aming kaibigan na kolumnista sa pahayagan na ito. Masakit ang salita ni Sonny Trillanes nang ipinamukha sa kanya na stakeholder ang Magdalo sa oposisyon. Hindi pag-aari ng solo ni Leni ang oposisyon. Hindi siya ang mukha ng oposisyon bagaman siya ang pangalawang pinakamataas na halal ng bayan. Maraming grupo at pwersa ang bumubuo sa oposisyon, aniya. ‘Pero, nauna kaming lumaban sa kanya,” aniya.

Hanggang ngayon nakabitin ang oposisyon sa desisyon ni Leni Robredo kung tatakbo o hindi sa panguluhan sa 2022. Urong-sulong bagaman mas lamang ang mga pahayag na nagpapahiwatig na hindi siya tutuloy sa panguluhan at gobernadora ng Camarines Sur ang aasintahin. Bagaman itinuturing na siya ang “pinakamalakas” na kandidato ng oposisyon, hindi buo ang loob ni Leni na sumabak sa pinakamataas ng posisyon.

***

MAY isinulat ang aming kaibigan na Rodolfo Hilado Divinagracia. Basahin:

Naghahangad ng milagro si Aleng Leni.

Wala na ang aspiration niyang united opposition, pero patuloy pa rin ang hangarin nyang mabuo ito.

Naghahabol lang ng hangin si Leni. Umaasa siya sa wala.

Open daw si Leni na suportahan si Mayor Isko o si Senator Manny. Paano na ang 1Sambayan? Paano na si Trillanes?

Indikasyon ng malubhang frustration ang mga kilos ni Leni. Pinaglalaruan lang niya ang kanyang mga supporters.

Deklaradong kandidato na sa pagka Presidente si Isko at ganoon din si Manny. Paano pa nya ma unify ang mga ito? Kung milagro ang hanap eh baka kelangan na rin nating ipasuri ang utak nya.

Isang kabaliwan ang maghangad ng milagro samatalang nandiyan si Trillanes.

Bakit ba ayaw ni Leni kay Trillanes? Ano ba ang kasalanan ni Trillanes sa kanya?

Mahirap masyado na binigyan ng liberty si Leni sa mga desisyong politikal. Hindi siya decisive sa tawag ng panahon.

***

MGA PILING SALITA: “Isko said he’s willing to give Duterte a Cabinet post if elected President. Kung ako’y magiging President, ilalagay ko rin si Digong sa cabinet … Sususian at hindi na kailanman bubuksan.” – maris Hidalgo, netizen

“The President should be a STRATEGIC THINKER!” – Christopher Orongan, netizen