Advertisers
KINUMPIRMA ni dating Senador Bam Aquino na isasantabi muna niya ang pagkandidato muli sa 2022 elections para pangunahan ang kampanya sa pagkapangulo ni Vice President Leni Robredo.
Sa kaniyang social media account, sinabi ni Aquino na tatayo siyang campaign manager ni Robredo.
Isa umanong malaking hamon kasi ang kakaharapin ni Robredo kaya kailangan niya itong tulungan.
Tiniyak nito na ibubuhos niya ang kaniyang lakas para sa pagkampanya kay Robredo.
Matatandaang si Aquino ay naging instrumento rin noon sa vice-presidential campaign team ni Robredo.