Advertisers

Advertisers

Bea wish i-celebrate ang b-day sa beach

0 407

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HINDI rason para kay Bea Alonzo ang pandemya ngayon sa bansa para hindi niya iselebra ang kanyang ika-34 na kaarawan ngayong October 17.

Bagkus, ang magiging hadlang ay ang dami ng kanyang commitments na gagawin. Nagkasunud-sunod at karamihan dito ay mga lock-in taping kaya may chance na mataon ang kanyang parating na kaarawan sa isang lock-in taping.



Kung matatandaan bago umpisahan ni Bea ang kanyang mga project sa bakuran ng GMA 7 ay humingi muna siya ng mahigit isang buwan na bakasyon kasama na rito ang pag-quarantine sa kanya na isa sa protocol pagkatapos maging turista sa ibang bansa.

Pero kung papalarin siya at maging open ang kanyang schedule sa araw ng kanyang kaarawan ay nais ni Bea na magpunta ng dagat at mag-stay dito kahit hanggang 5 araw para lubus-lubusin na anya niya ang birthday gift sa sarili.



“Kung papalarin na magkaroon man lang ng tatlo hanggang limang araw, baka mag-dagat ako kasi namimiss ko nang mag-beach.

“Di ba, sabi nga nila, the beach or the ocean washes away your anxieties and worries and, somehow, it has this calming effect. So, siguro, ‘yun ‘yun. Parang to rejuvenate and also to recharge for what’s to come,” saad ni Bea.



***

Mga anak nina Michael V at Wendell bet lampasan ang mga erpat sa showbiz

KAMAKAILAN ay sabay-sabay na pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center ang halos 20 kabataan na susubukan ang mundo ng showbiz. Ilan sa mga ito ay masasabi nating may chance na sumikat at ang iba naman ay so and so lang. Kaya dapat ipakita na nila nang husto ang kanilang talento sa pag-awit, pagsayaw, pagho-host, pag-arte at iba pa.

Halos kalahati sa mga batch na ito ay anak ng mga artista, at tatlo ay anak ng regular cast ng “Bubble Gang” na sina Michael V at Wendell Ramos, sina Brianna Bunagan na anak ni Michael V. samantalang sina Saviour at Tanya Ramos naman ay mga  anak ni Wendell.

Sa showbiz, masuwerte na lang ang mangilan-ngilan na anak ng sikat na artista na makilala rin  sa showbiz. Ano naman kaya sa  palagay nina Saviour, Tanya at Brianna, ang kanilang advantage at disadvantage bilang anak ng artista to make it to the top?

“The disadvantage is people will compare you with your dad, lalo na ako. But what I do is that I use that as a challenge for me to excel in my craft at malampasan ko ang daddy ko,” say ni Saviour.

“The advantage is that my dad and even my mom are both very supportive.  It didn’t take a lot of convincing for my parents to allow me to join showbiz, kasi ever since alam nila I really love performing, but ang request lang nila, magtapos muna ako ng pag-aaral, which I did,” ani Brianna.

“Mas maraming advantages kasi our dad has a big impact to me and my brother Saviour as we were growing up. We saw him being so dedicated to his craft and that inspires us,” saad naman ni Tanya.