Advertisers

Advertisers

Covid update: 10,670 bagong kaso; 7,691 gumaling; 191 patay

0 193

Advertisers

NAKAPAGTALA pa ng 10,670 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang Department of Health nitong Biyernes, Oktubre 8.

Samantala, mayroon namang naitalang 7,691 na gumaling at 191 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa na umabot sa 2,643,494, ang 118,203 rito ay mga aktibong kaso.



Nasa 94.0% o katumbas ng 2,486,059 naman ang gumaling at 1.48% o 39,232 ang namatay.

Sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Oktubre 6, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).



Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na naitest at 0.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">