Advertisers
KINUMPIRMA ng Department of Education (DepEd) ang panawagan ng ilang alkalde ng National Capital Region na kung maari ay payagan na kahit isang paaralan sa bawat lungsod o bayan na isama sa pagpapatupad ng face-to-face classes.
Ayon naman kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan bukas silang pag-aralan ang nasabing panukala.
Matatandaang walang paaralan sa NCR ang nakasama sa 59 na listahan ng DepEd na bahagi ng pilot face-to-face classes.
Nananatiling may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa NCR kaya hindi pa isinama ng DepEd ang mga ito.
Isasagawa ang pilot testing ng limited face-to-face classes sa Nobyembre 15 mula Kindergarten hanggang Grade 3. (Josephine Patricio)