Advertisers

Advertisers

VOTER REGISTRATION SIMULA ULI NGAYON

0 328

Advertisers

BALIK-VOTER registration na ang Commission on Elections (Comelec) simula bukas, Oktubre 11.

Matatandaang pinalawig ang voter registration hanggang Oktubre 30 bunsod ng mga malawakang panawagan. Marami kasi ang hindi pa nakakapagparehistro gawa ng mga COVID-19 restriction.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, lahat ng ginagawa sa regular registration ay puwede ring gawin sa extension.



Maaari umanong magparehistro bilang first-time voter, magpa-reactive sa mga hindi nakaboto noong 2 nakaraang halalan, magpa-transfer, at magpatama at magpapalit ng pangalan.

Ayon kay Jimenez, sa mga magtutungo sa Comelec, mas makabu-buti kung titingnan muna online ang panuntunang ipinapatupad sa local office.



Puwede rin umanong tawagan ang local Comelec office o tingnan ang kanilang mga opisyal na Facebook page.

Para mas ma-accomodate rin ang inaasahang dagsa ng mga hahabol sa registration, magdadagdag ng registration venue ang Comelec, kabilang ang iba pang mga mall.



Upang mas mapabilis ang proseso, ipinapayo ng Comelec na bago magtungo sa registration site, i-fill out ang application form na makikita sa comelec.gov.ph o irehistro.comelec.gov.ph.

Kapag pupunta na sa registration venue, magdala ng valid ID at photocopy nito.
Wala namang requirement na dapat bakunado o negatibo sa COVID-19 test.

Tinatayang nasa 300,000 hanggang 350,000 ang makakahabol sa registration, ayon sa Comelec.

Nakiusap din si Jimenez na huwag nang hintayin ang Oktubre 30 bago magparehistro.

Para naman sa mga botante sa ibang bansa, pinalawig hanggang Huwebes, Oktubre 14 ang overseas voter registration sa mga embahad at konsulada ng Pilipinas.

Suspendido naman ang voter registration sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine.

Giit pa ng Comelec, ito na ang huling pagpapalawig sa registration.