Advertisers
Napatay ang overall emir ng Daulah Islamiyah-Philippine at asawa nito sa isinagawang operation sa Talayan Maguindanao nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ang nasawing terorista na si Salahuddin Hassan, a.k.a. Orak/Abu Salman/Abu Saif, emir ng Daulah Islamiyah-Hassan Group (DI-HG); asawa nito si Jehana Mimbida, a.k.a. Jen, finance officer ng DI-HG.
Ayon kay Maj. Gen. Juvymax Uy, Commander of Joint Task Force Centra, 2:25 ng madaling araw ng magsagawa ng operation ang mga elemento ng Ist at 2nd Mechanizss Infantry Battalion sa Sitio Pinareng, Barangay Damablac, Talayan, Maguindanao.
Isinagawa ang operasyon base sa mga report at natatanggap na intelligence ng militar sa pinagkukutaan ng suspek.
Narekober ng mga sundalo ang 1 Cal. 223-5.56 MOD R4, bandoleer, 2 cellular phones, at six long magazines ng R4.
Patuloy ang isinagawang clearing operation ng mga sundalo habang ang labi ng mag-asawa dinala sa 1st Mechanized Infantry Battalion headquarters sa Barangay Kabengi, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.(Mark Obleada)