Advertisers

Advertisers

Drug test sa mga kandidato… ‘ANYTIME, ANYWHERE’ – BONG GO

0 235

Advertisers

SUPORTADO ni Senator at vice-presidential aspirant Christopher “Bong” Go ang suhestyon na i-drug test ang mga kandidato sa darating na 2022 elections upang matiyak na sila ay nakahandang maglingkod sa posisyong tinatakbuhan at magsilbing mabuting halimbawa sa mga Filipino.

“Kung ako ang tatanungin at kung ‘yan ang gusto ng taumbayan — anytime, anywhere ay willing naman ako magpa-drug test,” sabi ni Go, kasalukuyang vice chair ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

“Bagama’t hindi naman requirement sa batas ang drug testing ng mga kandidato, sang-ayon ako na voluntarily maipakita natin at malaman ng mga botante kung ‘fit for public service’ ang mga pinagpipilian nilang mamuno ng ating bansa,” aniya.



Samantala, muling idiniin ni Go na nakahanda siyang ipagpatuloy at palawakin pa ang mga programa at postibong pagbabago na sinimulan ng Duterte administration.

“Napag-desisyunan kong tumakbo bilang Bise Presidente sa darating na halalan upang maipagpatuloy ang mga magagandang programa at tunay na pagbabagong naumpisahan ni Pangulong Duterte — at sisikapin nating dagdagan pa ang mga ito,” pangako ni Go.

“Una sa lahat, walang tigil dapat ang kampanya natin kontra iligal na droga, korapsyon, at kriminalidad. Ang taumbayan na ang humusga kung mas ligtas ba ngayon ang mga anak nila at walang pangamba dahil sa mga kriminal at adik.”

“Hindi dapat masayang ang mga nasimulang ito kung kaya sa susunod na anim na taon ay sisikapin nating lalong maproteksyunan ang buhay at kinabukasan ng ating mga anak,” idinagdag ng senador.

Pinapurihan ni Go ang accomplishments, legasiya at iniyastiba ng Duterte administration, partikular ang pagpokus nito sa peace and order at kinakailangang magtuloy-tuloy ito.



“Ang ganda na sana ng takbo ng ating ekonomiya at ng administrasyong Duterte kung hindi lang tayo tinamaan ng pandemya. Sisikapin nating maibalik sa normal ang ating pamumuhay at muling maiahon mula sa hirap ang ating mga kababayan dahil rumami ang nawalan ng trabaho at nagugutom,” ayon kay Go.

Bilang pagsuporta sa kampanya laban sa illegal drugs ng Duterte administration, inihain ng senador ang Senate Bill No. 399 noong 2019 na magbibigay ng balanse at angkop na pagtugon sa drug problem sa pamamagitan ng pag-eestabilisa ng Drug Abuse Treatment at Rehabilitation Center, sa ilalim ng pamamahala ng Department of Health sa bawat lalawigan.

Ang naturang mga centers ang gagamot at mag-aalaga na may recovery-oriented focus sa mga drug dependents sa lipunan.

“In addition to the fight for the nation’s safety and security against the menace of illegal drugs, we must also direct attention towards the recovery of its many victims. Drug dependents should be treated as victims in need of medical, psychological, and spiritual help. Habang patuloy ang pagpuksa sa mga drug pushers, hindi natin pinapabayaan ang mga drug users na nais na magbagong buhay,” ani Go.