Advertisers
“MAY pulis sa labas ng bahay, isara nyo ang pinto, baka tayo pasukin, looban at pagpapatayin niyan”. Ito ang babala ng isang padre de familia sa kanyang ginang at mga kapamilya nang makita nito ang nagpapatrulyang unipormadong pulis sa kanilang lugar.
“Ikaw migay pancit sa pulis, ikaw lagay ihi sa pancit canton bago migay sa pulis”, utos naman ni Kabise ( Intsik) na may-ari ng carinderia sa kanyang mga boy at waiter sa tuwing kakain ng libreng pancit canton sa kanilang puesto sa Quiapo, Manila ang ilang bundat na pulis-trapiko at foot patroller.
Ganito ang kalakaran noong mga unang panahon, nang di pa itinuturing na propesyonal ang mga pulis, ang turing sa kanila ng mga mamayan karamihan ay mga mandarambong, bandido, mamamatay tao, halang ang kaluluwa, mapanlamang sa kapwa at kaaway ng lipunan.
Ngunit unti-unting nagbago na ang pananaw na ito laban sa mga pulis, binago ng isang magiting, tapat at pinakamataas na pinuno ng Pambansang Kapulisan, ni PNP Director General Guillermo Lorenzo T. Eleazar.
Gayunman hindi naging madaling naabot ng Kapulisan ang mataas na trust rating na ito, dumaan sa butas ng karayom, masalimuot na paglalakbay at transisyon bago natamo ng PNP ang mataas na pagpapapahalaga sa kanila ng lipunan.
May mga tinatawag pa din namang police scalawag, ninja at killer cop at iba pa na naging sentro naman ng paglilinis ng walang kapares nating heneral.
Napagdili-dili at nakita naman ng mga mamamayan ang nagawang ito ni Eleazar, ang mahusay na liderato, magaling at di mapapantayang pamumuno sa mahigit sa 200,000 opisyales at kagawad ng Pambansang Kapulisan.
Kaya’t nagtagumpay naman si Guilor (palayaw ni General Eleazar), sa wakas, sa napakahabang panahon na sirang sira ang imahe ng Pambansang kapulisan sa paningin ng taumbayan, ay nakabawi rin matapos na ihayag ng PUBLICUS Asia Inc., ang nadiskubre nito sa isang survey na napakalaki na pala ng itinaas na trust rating ng police organization na nirerendahan ni Eleazar.
Ang hindi nakaya marahil gawin ng mga nauna ding PNP Chief ay nagawa naman ni Eleazar!
The Philippine National Police (PNP) achieved improvements in trust with a five-point gain in total high trust (35.200) and an eight-point drop in total low trust (26.800), pahayag pa ng PUBLICUS Asia Inc.
Hindi naman tayo nagkakamali at walang tututol sa ating sinulat na kaya nga pumaimbulog ang imahe ng PNP ay dahil kay Gen. ‘Guilor’ Eleazar.
Nasubaybayan naman ng PUBLICUS sa kanilang suvey na napaka-epektibo ng nagawa ni Eleazar, simula nang maging pinuno ito ng Quezon City Police District, Region 4A, National Capital Region Police Office hanggang pamunuan at hawakan ang buong kapulisan.
Sa maraming dekada ay mistula ngang naging bandido at tulisan ang paningin ng mga taong bayan sa miyembro ng PNP, naging masama sa mata ng mamamayan ang mga ito dahil sa napakarami ring mga sira-ulo, malatuba at naligaw ng landas na mga pulis, napabayaan ang mga ito ng nga nagdaang pinuno ng Pambansang kapulisan.
Mabuti na lamang at may dumating na Gen. Guilor sa PNP na dumisiplina sa mga bugok na mga pulis na kung di kriminal ay protektor ng masamang elemento ng lipunan at ng sindikato, kaya naman gumuho sa pinakamababang antas ang pagkilala noon sa police organization ng bansa.
Maliban sa pagdidisiplina sa mga nalihis ng landas na mga pulis, ipinatupad din ni Eleazar ang ibat-ibang reporma sa kapulisan na siyang naglapit sa puso ng ating mga mamamayan sa mga pulis.
Sa ilalim ni Eleazar, ang taumbayan ay unti-unti na ring nakuntento at nagtiwala sa PNP at ang magandang naging resulta ay nasalamin din sa survey na isinagawa ng PUBLICUS surveying firm.
Pinupuri na ngayon ng mga taong bayan ang PNP dahil sa mga pagbabago na nakikita natin. Kaya naman di maiwasan na papurihan din ang hanay ng Kapulisan lalo na si Gen. Guilor.
Sa kanyang pagreretiro sa araw ng kanyang ika- 56th birthday sa Nobyembre 13, 2021, ay lalo pa sanang tumaas ang trust rating ng PNP at isulong ito ng sinumang pagkakatiwalaan ng liderato ng Kapulisan na maging new PNP Chief.
Saludo tayo kay Gen. Eleazar. Ipagtuloy sana nito ang kanyang paglalakbay sa larangan naman ng pulitika na siyang ipinanawagan ng milyong-milyong Pilipino upang lalo pa nitong matulungan ang kanyang mga kababayan.
DROGA NINA OCAMPO AT GIGI!
SALOT kung ituring sina alias Ocampo at alias Gigi sa bayan ng Balete, Batangas. Kaya naman ipinararating natin sa ating mga kaibigang sina Batangas Provincial director, P/Col. Glicerio Cansilao at Provincial Intelligence Chief (S2) ang mga kabulastugan ito ng mga nasabing ilegalista.
Bakit kanyo? Aba ay ang dalawa palang ito ang magkasosyo sa pagpapatakbo ng jueteng at kalakalan ng droga sa bayan ng Balete.
Ang taya sa jueteng ay ipinakokolekta sa mga Small town lottery (STL) kolektor. Ngunit sa halip na iremit sa PCSO main office ay sa rebisahan ng mga ito sa Brgy Sala ng nasabing bayan dinadala at inilalaban sa kanilang pajueteng.
Sa rebisahan din ng dalawang hijo de pusa nagaganap ang bentahan ng shabu gamit na pusher ang kanilang ilang kabo at kubrador. Kailangang maaksyunan na ng ng PNP Provincial Police office ang operasyon nina Ocampo at Gigi sa harap ng kainutilan ng ilang pulis sa bayan ng Balete?
***
Para sa inyong komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com