Advertisers

Advertisers

Libu-libong indigent residents sa Bataan, Tarlac inayudahan… ‘TULOY ANG SERBISYO, TULOY ANG MALASAKIT – BONG GO

0 422

Advertisers

LIBU-LIBONG indigents residents at mga nawalan ng pagkakakitaan sa Bataan at Tarlac ang inayudahan ng tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go sa magkakahiwalay na isinagawang relief efforts para kahit papaano ay makabangon at makalaban sila sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang mensahe, muling iginiit ni Go ang kahalagahan ng health protocols laban sa COVID-19 kasabay ng pagpapaalala sa publiko na sumunod sa mga restriction sa mga pinaroroonan tulad ng mga gatherings hanggang ang pagbaba ng kaso ng virus ay hindi lubusang nakokontrol ng mga kinauukulan.

“Kahit ano pa mang quarantine restrictions ang iimplementa natin, mas importante dito ang disiplina, pag-iingat, at kooperasyon ng lahat. Sumunod tayo sa mga itinakdang health protocols para maging matagumpay ang ating mga hakbang na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 habang ibinabalik ang sigla ng ekonomiya,” apela ni Go.



“Malaki ang epekto ng malinis na kapaligiran para maiwasan ang pagkalat ng sakit. Kaya I encourage everyone to exercise diligence and keep your surroundings clean to protect yourselves, your loved ones and your communities,” idinagdag ng senador.

Tulad ng nakaghawian, namahagi ang grupo ni Go ng mga makakain, grocery packs, vitamins, masks at face shields sa may 9,173 benepisyaryo sa Standard Factory Building No. 7 sa Phase 1, Freeport Area ng Bataan.



May mga residente na binigyan ng bagong pares ng sapatos, bisikleta at computer tablets para magamit ng kanilang mga anak sa pag-aaral.

Nagbigay naman ang Department of Social Welfare and Development ng financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program nito.



Nauna rito, umaabot sa 10,790 manggagawa sa Authority of the Freeport Area ng Bataan ang tinulungan din ng opisina ni Go at ng DSWD sa isinagawang relief efforts noong nakaraang October 12 hanggang 15.

Ang mga nasabing aktibidad ay isinagawa nang grupo-grupo para matiyak na nasusunod ang mandatong protocols laban sa COVID-19.

Pinayuhan ni Go ang mga may sakit o nais magpagamot na lapitan lamang ang Malasakit Center sa Mariveles Mental Wellness and General Hospital o ang nasa Bataan General Hospital and Medical Center sa Balanga City.

Ang naturang center ay one-stop shop sa mga nais humingi ng medical assistance ng DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Samantala, nagsagawa rin ng 5-day relief effort ang tanggapan ni Sen. Go sa Victoria, Tarlac nitong October 25 hanggang 29 sa mga vulnerable sa COVID-19, gaya ng mahihirap, disabled at nakatatanda.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Go na tuloy-tuloy na ipinaprayoridad ng pamahalaan ang marginalized sectors at hiniling niya sa mga ito na palaging sundin ang mandatong health and safety protocols bilang pagpapakita ng kanilang pakikiisa at malasakit sa iba.

“Hindi kayo pababayaan ng gobyernong palaging nagmamalasakit sa inyo. Ipaglalaban namin palagi ang kapakanan ng mga mahihirap lalo na ‘yung mga wala nang matakbuhan. Magtulungan tayo para masiguradong walang maiiwan sa muling pagbangon ng ating bayan,” ani Go.

Umaabot sa 4,195 senior citizens at persons with disabilities ang inayudahan ng opisina ni Go, katuwang ang DSWD sa aktibidad na isinagawa sa covered courts sa Barangays Balayang, Balbaloto, Bangar, Mangolago, San Andres at Bulwagan, Victoria, Tarlac

“Gumagawa po ako ng mga miniature figurines at mga key chains. Ang hirap nung nagkapandemya kasi hindi ko mabili ‘yung mga kailangan ko at limitado ang galaw namin. Medyo nahinto tuloy ‘yung pinagkakakitaan ko at nauubos na ang savings namin. Pero nagpapasalamat kami sa aming mayor (Christian Yap), lalo na sa kanyang asawa, na tumutulong para maka-survive kami,” sabi ng residente na si Dominic Gamis, 41.

“Maraming salamat sa administrasyong ito lalo na kay Sentor Go dahil mas nabibigyan pansin na kaming mga may kapansanan. Gagamitin ko ang tulong na ito para makapagsimula muli at ipagpatuloy ang aking hanapbuhay,” idinagdag niya.

Simula October 18 hanggang 21, nasa 9,000 micro-entrepreneurs at 2,000 indigent families naman sa Tarlac City at Moncada ang nabibiyayaan ng mga ipinamimigay na tulong ni Sen. Go.