Advertisers

Advertisers

Manila North Cemetery nakabarikada ang gate

0 224

Advertisers

NAKASARADO nitong Lunes (Nov. 1) ang mga gate ng Manila North Cemetery at bukas lang ito sa stay-in caretakers.

Maliban sa saradong gate ay nakabarikada rin ito upang hindi makapasok ang mga tao.

Mananatiling sarado ang lahat na sementeryo sa Metro Manila sa buong linggo ng undas para maiwasan ang mass gathering.



Samantala, sa Baco Public Cemetery sa Oriental Mindoro, mismong ang lokal na pamahalaan nalang ang nagtirik ng kandila sa mga puntod.

Alinsunod narin ito sa panuntunang bawal ang pagdalaw sa mga sementeryo sa gitna ng pandemya.

Mahigit dalawang libong kandila ang sinindihan at dahil dito nagliwanag parin ang buong sementeryo.

Nag-uumpisa namang bumibisita ang publiko sa mga sementeryo bago ito pansamantalang isara nitong araw ng undas.

Matatandaang inihayag ng Inter-Agency Task Force na isasara ang mga sementeryo sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, 2021.



Ito ay upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa undas na maaaring maging sanhi ng hawaan ng COVID-19.