Advertisers
PINAMUNUAN ni Filipino American star Jordan Clarkson ang opensiba ng Utah Jazz upang idispatsa ang Atlanta Hawks 116-98, sa State Farm Arena sa Atlanta.
Kumamada ng season high na 30 points si Clarkson (10-of-19 shooting) kasama na ang apat na three point shots, apat na rebounds, at tatlong assists upang pangunahan ang Utah sa kanilang ika-pitong panalo.
Una rito, nitong nakalipas na Miyerkules ay inalat sa kanyang laro ang reigning 6th Man of the Year ng NBA.
Gayunman sa laro kahapon hindi na nagpaawat si Clarkson sa init ng kamay upang punan ang hindi paglalaro ng kanilang main man na si Donowan Mitchell dahil sa injury.
Maging ang star player ng Atlanta (4-5) na si Trae Young na may 21 points at pitong assists ay wala ring nagawa sa walang humpay na opensa at depensa na inilatag ng Jazz.