Advertisers
NAPANALUNAN ng nag-iisang mananaya mula sa Misamis Oriental ang P8.24 million na jackpot prize sa Lotto 6/42 na binola Sabado ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nasungkit ng masuwerteng bettor ang winning combination na 24-27-29-08-22-04 kung saan nabili ang ticket sa isang lotto outlet sa Cagayan De Oro City.
Samantala, nahulaan naman ng 60 pang mananaya ang limang kombinasyon kaya’t pawang makakatanggap ang mga ito ng tig-P24,000.
Ang 6/42 Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.