Advertisers
Alvin Patrimonio, Francis Zamora, James Yap, Paul Artadi, Ato Agustin, Vergel Meneses, Robert Jaworski Jr, Binky Favis, at Don Allado ang ilan lang sa mga taga-PBA na tumatakbo ngayon halalan.
Yung iba kasalukuyang may kontrata pa sa kani-kanilang koponan. Ang ilan retirado na o kaya’y mga coach o assistant mentor.
Pinakamalaking pangalan ay si Alvin. Kandidadto si The Face bilang alkalde ng Cainta, Rizal sa kanyang first time sa pulitika.
Sina Francis at Vergel ay mga incumbent na mayor. Si Zamora sa San Juan habang si Meneses sa Bulacan, Bulacan.
Si Dodot naman Vice ni Vico sa Pasig. Dati na siyang kongresista sa siyudad.
Si Binky ay tapos na ang termino bilang konsehal at susubok maging bise sa Paranaque.
Si Franz pabalik-balik sa konseho ng QC upang katawanin ang ikatlong distrito. Pareho niya si Ato na sa San, Fernando, Pampanga naman bilang konsehal.
Samantal sina Paul at Don nasa tiket ni Zamora sa SJ.
Kung ituturing natin si Manny Pacman na legit na PBA player ay sige na nga at banggitin. Siya ay nananaginip maging pangulo ng Pilipinas. Man of destiny daw sabi ng mga supporter.
Ang pambansang kamao rin ang unang nagtangka mula sa mundo ng sports kunin ang Malacanan. Hindi umabot sa puntong ito ang mga naging senador na sina Freddie Webb at Sonny Jaworski. At bago sa kanilang dalawa ay si ex-Senator Ambrosio Padilla.
Totoong balita po ang listahang ito pero hindi endorsement ng mga player. Malinaw yan!
***
Bakit daw ang mga paboritong Bucks at Lakers ay nasa ibaba ng standings matapos ang sampung laro sa NBA?
Ang defending champ na Milwaukee ay 4-6 sa East samantalang 5-5 ang sentimental favorite na Los Angeles sa West.
Pwedeng nais silang talunin talaga ng iba para masukat ang lakas.
Hantayin natin maka-20 na game kung maka-adjust sina Giannis Antetokounmpo at sina LeBron James.
***
Pwede na kaya ang audience sa 2nd Conference ng PBA? Tinitingnan pa raw ito ng liga kung uubra na. Malamang sa Ynares Center sa Pasig ang venue ng Reinforced tournament.
Sabik na ang mga tagahanga. Kasi sa USA, Japan at China maaari na ang may mga tao na sa mga arena.