Advertisers

Advertisers

30-M Pinoy na fully vaccinated vs COVID-19

0 343

Advertisers

AABOT na sa halos 30 milyong katao sa Pilipinas ang fully vaccinated kontra COVID-19, ayon kay Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases at presidential spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Roque, 29,809,085 o 38.64 percent ng 77-million target population sa bansa ang fully vaccinated na kontra COVID-19 hanggang noong Nobyembre 8.

Samantala, 35,138,281 katao, o katumbas ng 45.55 percent ng target population ang first dose pa lamang ang natatanggap.



Sa National Capital Region, 90.35 percent o 8,832,807 ng 9.8-million target population na ang fully vaccinated.

Ang bilang naman ng mga indibidwal na naturukan ng first dose sa Metro Manila ay 9,718,073 o katumbas ng 99.40 percent.
Noong Lunes, 749,424 COVID-19 jabs ang naiturok sa buong bansa.

Matatandaan na target ng pamahalaan na gawing 1.5 million COVID-19 jabs ang maituturok sa kada araw simula Nobyembre 20.