Advertisers

Advertisers

Nagkaayusan na ang P1.1-B kontrata ng JC Palabay Enterprises sa DepEd

0 622

Advertisers

LABIS-LABIS ang kaligayahang tinatamasa ng mga nagmamay-ari ng JC Palabay Enterprises dahil naayos na ang ‘gusot’ nito sa P1.1 bilyong halaga ng kontrata sa Department of Education (DepEd).

Ayon sa impormasyon, muntik nang hindi matuloy ang P1.1 bilyon matapos magkaroon ng maraming kuwestyon at pagdududa sa totoong pampinansiyang kalagayan ng JC Palabay dahil hindi raw pasado ang kakayahan nito upang magawa at maibigay ang P1.1 bilyong halaga ng modules.

Napakahalaga ng modules sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa panahong pinapatupad ang tinatawag na “distance learning” sa panahong malaki ang suliranin ng bansa sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).



Palyado rin umano ang mga papeles o dokumentong ipinasa ng JC Palabay Enterprises sa DepEd.

Pokaragat na ‘yan!

Ngunit, natapos ang mga problema ng nasabing kumpanya sa DedEd makaraang ‘magkaayusan’ ang dalawang partido.

Ang ibig kong sabihin sa nagkaayusan ay nalutas at nailinaw ng JC Palabay Enterprises ang kanyang mga suliranin sa DepEd.

Hindi iyong nagkabigayan ng kuwarta bikang ‘padulas’.



Hindi raw po nangyari ‘yan.

Wala akong kilalang tiwala at korap sa mga beteranong opisyal at kawani sa DepEd!

Hindi ko lang alam kung mayroong kakilalang mga korap o masisiba sa pera na mga opisyal at kawani ng DepEd ang mga may-ari ng JC Palabay Enterprises.

Sigurado ako na hindi korap si Secretary Leonor Magtolis Briones dahil simula nang maging propesor ko ito sa University of the Philippines – National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG) noong 2005 hanggang 3007 ay alam ko na kung anong buhay mayroon ang kalihim.

Tama ba ako Undersecretary Allain Pascua?

Tama ba ako Undersecretary Lorenzo Mateo?

Usec. Mateo, baka mayroon kang kilalang mataas na opisyal sa DepEd na masiba sa kuwarto — ikanta mo na!

Nabatid ng BIGWAS! mula sa nakalap na impormasyon na nakahingi ng tulong ang JC Palabay Enterprises sa isang taong nakilala lamang sa alyas na “Marco”.

Kasapi raw ng Iglesia ni Cristo ang alyas Marco na ito.

Pokaragat na ‘yan!

Nanindigan ang impormante na totoo ang mga pahayag niya tungkol sa mapagpasyang papel ni alyas Marco sa P1.1 bilyong kontratang ibinigay ng DepEd sa JC Palabay Enterprises, subalit hindi raw nito alam kung mayroong komisyon ang nasabing alyas Marco.

Kung kumita man siya, sabihin nating 20 porsiyento ng P1.1 bilyon, ang mga may-ari o kinatawan ng JC Palabay Enterprises ang nakakaalam at – siyempre – si alyas Marco mismo.

Kung ako ang chief of staff ni Secretary Briones, papayuhan ko ang nasabing opisyal na huwag ituloy ang P1.1 bilyong halaga ng kontratang module ng JC Palabay Enterprises.

Mas maiging busisiin at pag-aralang mabuti ang nasabing kontrata upang huwag magsisi si Briones sa bandang huli hinggil sa katarantaduhang ginawa ng ilang korap sa DepEd.