Advertisers

Advertisers

Inday Sara puro pa din trabaho sa Davao

0 580

Advertisers

SA kabila ng mga sunod-sunod na meeting at pagkakaabala sa ibang Gawain. Patuloy pa din si Davao City Mayor Sara Duterte sa pagtatrabaho.

Kahapon, dumalo ito sa pagbubukas ng Marilog Hospital, ang unang hospital sa ilalim ng City Health Office ng Davao City.

“Napaka-mabuluhan nito dahil ito po ang una bukod po sa dito namin naitayo sa Marilog District kung saan isang Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDA),” pagbibida ng alkalde na anak ng Presidente Rodrigo Roa Duterte.



“Dito po ninyo makikita na kapag merong pagkakaisa sa mga kelangan dapat gawin ito ay magbubunga ng maganda para sa siyudad. Pagod, hirap at puyat po ito ng mga Dabawenyong doctor, nurses, medtech, pharmacists, assistants at personnel, saludo po kami sa inyong lahat,” dagdag na pahag nito.

Si Mayor Inday Sara Duterte ay nag-file kamakailan ng kanyang certificate of candidacy (COC) bilang Bise Presidente ng bansa, na ayon sa marami ay tiyak na madali lang makakamit ng alkalde dahil sa tiwala ang taong bayan dito.