Advertisers

Advertisers

Mga atake ni Digong patama kay BBM

0 546

Advertisers

NITONG Huwebes ng hapon, Nobyembre 18, ay bumanat na naman si Pangulong Rody “Digong” Duterte laban sa isang winnable presidentiable.

Mga banat na ikinagagalit ngayon ng BBM supporters dahil sa pagkiwari nila ay si Bongbong Marcos, Jr. ang pinatatamaan ng “Tatay” ng mga DDS.

Ito ang mga tirada ng Pangulo na viral ngayon sa social media at pinag-aawayan ng mga BBM at DDS:



“May kandidato tayo na nagko-cocaine. Mga anak ng mayaman. Anong nagawa ng taong ‘yan? What contribution has he made? Bakit parang ang Pilipino, lokong loko?

I’m not worried. Bahala kayo sa gusto niyo na tao. Ang akin lang pagdating ng panahon, basta sinabi ko sa inyo: He is a very weak leader, except for the name… ang tatay… Pero siya, ano ang ginawa niya? If that’s what the Filipino wants, go ahead.”

Sino ba sa tingin ninyo ang pinatatamaang presidential aspirant dito ni Digong? Si Senador Bong Go ba? Si Sen. Manny Pacquiao? Si Sen. Ping Lacson, Si Vice President Leni Robredo, o si dating Sen. Bongbong Marcos, Jr.?

Sigurado hindi si Pacquiao. Dahil madalas si Pacquiao sumasailalim sa drug test kapag may laban at hindi ito nanggaling sa mayamang pamilya.

Tiyak ding hindi si Isko dahil hindi naman ito anak mayaman. Lumaki ito sa pagbabasura at nakatira sa squatter’s area sa Tondo. Hehehe…



Imposible ring si Lacson. Kitang kita naman sa katawan ni Ping na hindi contaminated ng illegal drugs ang kanyang utak.

Lalong hindi si VP Leni. Kita nyo naman ang kasiglahan at tino ng pag-iisip ng ale.

Imposible ring si Bong Go? Nangangamuhan nga ito sa kanya eh… at ito ang manok niya.

Ang clue ni Duterte ay nakaturo lahat kay Marcos (BBM) na anak mayaman at nangunguna sa mga survey sa presidentiables…

Maaring sabihin natin na hindi seryoso si Duterte sa kanyang inanunsyong adik na presidentiable, na bahagi lamang ito ng kanyang pangangampanya para sa pinapaborang kandidato. Pero ito’y malaking negative impact sa tinutukoy niya. Mismo!

Maganda siguro ay magpa-drug test ang mga presidentiable na nabanggit para malaman kung sino sa kanila ang tinutukoy ni Duterte na adik. Tama!

Hindi lang naman ngayon lang pinatatamaan ni Pangulong Duterte si BBM. Few days ago lang ay binanggit niya mismo sa panayam ng DDS blogger na si Banat By na kailanman ay hindi niya suportado sa pagtakbong pangulo si BBM, anak daw ito ng magnanakaw, isang komunista.

Bakit kaya binabanatan ni Digong si BBM? Dati silang magkaalyado. Isa ang mga Marcos sa nagpa-panalo sa kanya noong 2016, nakuha niya ang Solid North vote. At ipinalibing pa nga niya ag ama ni BBM na si Pres. Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ang running mate ni BBM ay anak ni Digong na si Mayor Sara Duterte-Carpio. Anuman ang maging banat niya (Digong) kay BBM ay damay si Sara. Right?

Sa tingin ko ay may away ang mag-ama. Siguro dahil sa ang gusto niya (Digong) kay Sara na tumakbong Presidente ay hindi nangyari, dahilan din para si Sen. Bong Go ang itinulak niya para sa pagka-pangulo.

Pero may aabangan pa tayo, ang isyu ng pagpapakansela sa kandidatura ni BBM sa Comelec.

Sabi ng political analyst na si Ramon Casiple, sakali mang makansela ang kandidatura ni BBM, nandiyan pa ang kanyang ate na si Sen. Imee na papalit. Good day!