Advertisers

Advertisers

Perlas Spikers winalis ang Baguio

0 90

Advertisers

WINALIS ng Tuguegarao Perlas Spikers ang Baguio, 25-10,25-5, 25-14, para sa kanilang ikalawang dikit na tagumpay sa Philippine National Volleyball Federation Champions League Lunes sa Aquamarine Sports Complex, sa Lipa.

Pinamunuan ni Jho Maraguinot ang opensiba ng Perlas Spikers sa tinipang 10 points, tampok ang anim na service ace sa paluan na tumagal ng 62 minuto.

Nalasap ng Highlanders ang kanilang tatlong sunod-sunod na kabiguan.

Czarina Carandang nag-ambag ng nine points mula sa seven attacks,one black at an ace,Habang si Roma Doromal bumakas ng eight points para sa Tuguegarao.

“Kung ano man yung naging score hindi na namin dapat pag-usapan yun. Ang dapat naming tine-take is yung opportunity to fix yung maliliit na details na pwede namin i-control,” Wika ni Diaz sa reporters. “Pinakamahalaga yung unity tsaka committed yung bawat isa.”

Napakalaking panalo para sa Perlas Spikers bago ang kanilang laban kontra F2 Logistics (2-0) sa Martes at PetroGazz sa Huwebes (2-0).

Makakasagupa ng Baguio ang California Precision Sports (0-2) Martes 1;30 pm.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More