Advertisers

Advertisers

Giant Christmas tree sa Maynila, pinailawan na

0 299

Advertisers

NAGSIMULA na ang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Maynila sa pamamagitan ng pagi-ilaw ng higanteng Christmas tree sa Bonifacio Shrine katabi ng Manila City Hall at gayundin ang groundbreaking ng panibagong open air na pasylan sa Escolta na inaasahang magiging isang “lovers’ lane.”

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno kasama sina City Engineer Armand Andres, third district Councilors Tol Zarcal, Fa Fugoso, Terence Alibarbar, Apple Nieto, Joel Chua at Jong Isip ang groundbreaking ng bagong Plaza Yuchengco sa Muelle del Banco National at pinasalamatan ng mga ito ang Yuchengco Group of Companies sa pangunguna ng chairwoman ng kumpanya na si Helen Dee sa pagsagot sa lahat ng gastos.

Nang gabi ring iyon ay pinangunahan din ni Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang pagi-ilaw ng higanteng Christmas tree na tanda nang simula ng Kapaskuhan sa Maynila.



Ayon kay Andres, ang bagong pasyalan na may kahabaan na umaabot sa 300 metro at sumasakop apat na kalye ng Yuchengco, Soda, Pinpin at Burke mula Jones Bridge hanggang MacArthur Bridge.

Pinasalamatan ni Moreno si Dee sa tulong na ibinigay nito sa lungsod at sinabing bagama’t hindi pa sinisimulan ang pagtatayo ng panibagong plaza, ito ay magkakaroon ng pinakamagagandang flowering native trees, main plaza na may marker, 24 double lamp posts, sementadong daanan na mayroon ding concrete bike lanes, plant boxes, green spaces at mga upuan.

Sa kanyang bahagi ay nagpahayag naman ng suporta si Dee sa pamamahala ni Moreno at sabay nagtaas ito ng kamay sa nagpapakita ng ’God , First!’ sign. Sinabi ni Dee na plano nilang i-develop ang lugar bilang ‘lovers’ lane’ kung saan maaring magpalipas ng oras ang mga mag-asawa.

“Thank you for looking back and for consistently paying it forward,” pahayag ni Moreno kay Dee at sa mga kasamahan nito na siyang mangangasiwa ng pagpaganda sa nasabing lugar nang wala kahit na isang sentimo na gagastusin ng lokal na pamahalaan.

Nang malaman ng alkalde na ang lolo ni Dee na si Enrique ang contractor na gumawa ng lumang Post Office sa Lawton, sinabi ni Moreno na agad na ni- rehabilitate ang lugar sa harap ng nasabing Post Office na naging mabaho , marumi at tapunan ng mga scraps. Ngayon ay isa na itong magandang parke na kinagigiliwan ng mga tao dahil sa mga ilaw, mga puno, upuan at magandang fountain.

Sinabi pa ni Moreno na agad siyang kinausap ni Dee matapos ang rehabilitation ng Jones Bridge at nagpahayag ng interes na tulungan ang lokal na pamahalaan.



Noong Lunes din, inanunsyo ni Moreno na ang Arroceros Forest ay ire-redeveloped para sa kaligayahan ng ng mga bata at senior citizens sa Maynila bilang panibagong open space na pasyalan.

Ito ayon pa kay Moreno ay bilang bahagi ng pangako ng pamahalaang lokal na lumikha ng mas maraming green spaces sa lungsod. Ang Arroceros ay kilala bilang ‘last lung’ ng Maynila. (ANDI GARCIA)