Advertisers

Advertisers

Kasapi ng CTAP, nagsagawa ng caravan

0 285

Advertisers

Nagsagawa ng caravan ang mga kasapi ng Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) ngayong umaga ng Martes bilang bahagi ng patuloy nilang truck holiday o truck rest day.

Mula sa Club Intramuros kung saan nagtipon-tipon ang mga drivers ng mga trucking at grupo ng CTAP, umikot ang caravan sa ICTSI o International Container Terminal Services Inc . ngunit hinarang at hindi naman sila pinapasok.

Dumaan din sa labas ng mga tanggapan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang grupo at posible rin umanong umabot sa tanggapan ng LTFRB sa Quezon City.



Ayon kay Atty. Ryan Esponilla, dapat sana naagapan nang pumutok ang isyung ito dahil mahirap aniya ang magpatakbo ng truck at mag-operate.

Giit ni Atty.Esponilla, dapat ang gobyerno ang nag-take-charge na dahil ‘yung operation ng mga truck ngayon napakamahal, madami bayarin ang mga operator sa pagsasaoli ng empty containers, gayundin sa pagtransak sa pier marami rin gastusin.

Dagdag pa nito, ang napakamahal na bayarin ng mga kasaping truck operators ay magiging pasanin at mararamdaman din ng bawat Filipino sa presyo ng basic commodities.

“Kaya dapat yung government, hindi pa naman sana kami umabot sa ganito dapat nagtake-charge na yung government para pakialaman ang isyung ito”, wika pa ni Atty. Esponbilla na siya ring general manager ng CTAP dahil hanggang ngayon ay bigo pa rin aniya ang PPA na tugunan ang kanilang hinaing .

Aniya, kasama ang mga drivers ng mga trucking sa caravan dahil sila ang higit na nahihirapan sa mabagal na operasyon sa mga pantalan na nakakaapekto sa bilis nang pagkuha at paghahatid ng mga produkto at ang paghahatid ng mga empty containers.

Binigyan diin din nito na sila ay magapakita sa kalsada upang ipakita na itong industriyang ito ang hindi masyadong nararamdaman at binibigyan ng pansin ng gobyerno at hindi nare-reliazed na itong industriya na ito ay yung may bitbit ng ekonomiya sa bansa.(Jocelyn Domenden)