Advertisers
NAGKAKAHALAGA ng P102 million ang shabu na nasamsam ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) at nadakip sa isang drug pusher sa buy bust operation sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.
Kinilala ni Brigadier General Remus Medina, director ng PNP-DEG, ang nadakip na si Randy Rafael alias “RR”, 42 anyos, ng Pasay City.
Sa report ni Medina kay PNP Chief, Gen. Dionardo Carlos, 12:20 ng madaling araw nang magsagawa ng buy buy bust operation ang pinagsanib na mga elemento ng PNP DEG Special Operation Units, Philippine Drug Enforcement Agency NCR, NCRPO Regional Drug Enforcement Unit, NCRPO Regional Intelligence Division, at CIDG NCR Northern Field Unit sa Baesa Road, Barangay 161, Zone 14, District 1, Caloocan City.
Inaresto ang tulak nang maiabot ang isang kilo ng shabu na nakabalot ng Chinese teabag sa isang agent na nagpanggap na buyer.
Nasamsam sa tulak ang 14 Chinese teabags na naglalaman ng 15 kilos ng shabu na nagkakahalaga sa P102 million, P1,000 mark money at 10 bundle ng boodle money at celluar phone.
Nabatid na nagtratrabaho ang tulak sa isang Chinese drug personality na kinilala sa alias “Lim” na supplier ng droga sa NCR at kalapit na mga lalawigan.
Ang tulak at mga nasamsam na droga ay nasa kustodiya PDEG Special Operation Unit NCR sa Camp Crame.
Sinampahan na si Rafael ng kasong ng paglabag sa Sec. 5 and 11 Art II ng RA 9165.(Mark Obleada/Beth Samson)