Advertisers
IDINEKLARA ng Muntinlupa City Council na ‘persona non grata’ si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag sa pagtatayo ng mga pader sa paligid ng New Bilibid Prisons (NBP) na humaharang sa kalsada.
Sa Facebook post, mariing kinondena ng Muntinlupa City government ang aksyon ng BuCor at mga opisyal nito na responsible sa road closure sa Katarungan Village 1 at 2, Muntinlupa National High School, Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, Southville 3 housing project, at Type B NBP Reservation.
Naunang sinabi sa report ng BuCor na iniharang ito para sa seguridad ng NBP.