Advertisers

Advertisers

Hog raisers sa Isabela na apektado ng ASF, tinulungan ni Bong Go

0 575

Advertisers

TINULUNGAN at binigyan ng kinakailangang suporta ni Senator Christopher “Bong” Go ang hog raisers sa Isabela na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).

Ang pamamahagi ng ayuda sa tinatatayang 768 farmers ay isinagawa sa San Fabian Community Center sa Echague, Reina Mercedes municipal gym at San Isidro Municipal Amphitheater.

Sa hiwalay na distribusyon, namahagi rin ang mga kinatawan ng Department of Agriculture sa hog raisers ng P5,000 sa bawat “culled pig” para mabawi ang kanilang puhunan.



Sa kanyang video message, pinuri ng senador na miyembro rin ng Senate Committee on Agriculture, ang ginagawang pagsisikap ng local at national officials para maprotektahan ang livestock production sector.

Umapela si Go ng tulong sa gobyerno para matulungang maibalik ang kabuhayan ng mga farmers para na rin sa pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.

“Primary source ng kabuhayan ng ating mga kababayan ang agrikultura kung kaya dapat mas palakasin pa natin ang mga programang pwedeng sumuporta sa ating mga magsasaka, mangingisda at iba pang kabuhayang pang-agrikultura.”

“Suportahan at tulungan natin sila na malampasan ang paghihirap na dulot ng pandemya dahil ang sektor na ito ang bubuhay sa ating bansa pagkatapos ng mga krisis na ito,” ayon kay Go.

Nauna rito, noong November 24, ay tinulungan din ni Go ang nasa 777 hog farmers sa Cabatuan at San Mateo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">