Advertisers

Advertisers

Nash Racela bagong head coach ng Falcons

0 250

Advertisers

TINAPIK ng Adamson University Soaring Falcons basketball team bilang head coach si Nash Racela.

Ayon sa Adamson’s athletic director Fr. Aldrin Suan na ang magandang record ni Racela sa collegiate at professional ranks ang kanilang ikinokonsidera.

Hanga rin aniya sila sa pagtrato ni Racela sa mga manlalaro kung saan itinuturing niya ang mga ito bilang bahagi na ng pamilya.



Makakasama ni Racela sa coaching staff sina Rommel Adducul, Ryan Betia, Ed Lorenz dela Torre, Gilbert Lao, Benjamin Sipin III at head coach MIke Fermin.

Huling nag-coach sa UAAP si Racela noong 2016 ng pangunahan nito ang Far Eastern University sa Final 4.

Naging coach din ito ng TNT at Blackwater sa PBA at umalis sa coaching ngayong 2021.

Tiniyak ni Racela na kaniyang ibibigay ang makakaya para magtagumpay ang nasabing koponan.

Hindi na nagwagi ang Falcons ng titulo sa UAAP mula pa noong 1977 to 1978.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">