Advertisers

Advertisers

Bacooreños, excited sa pagbabalik ng Bacoor City Strikers

0 213

Advertisers

DOBLE kasiyahan ang nadarama ng mga mamamayan ng Bacoor, Cavite ngayong nalalapit na ang Pasko.

Una ay ang kagalakan sa matagal na nilang hinihintay na bumalik ang kanilang real-life super hero na si Deputy Speaker Strike Revilla bilang alkalde ng Bacoor sa susunod na taon.

Pangalawa ay ang napabalita na ang Bacoor City Strikers basketball team ay muli na nilang mapapanood.



Naging hadlang ang pandemya sa mga kaligayahan ng tao gaya ng pampalakasan na sa ngayon ay unti-unti nang nanunumbalik.

“Kaya malaking bagay po ang pagpapabakuna. Hindi lang sa sariling proteksyon magiging tuloy din sa pagbubukas ng ekonomiya at maibsan ang naging masamang epekto ng Covid-19 sa ating bansa,” pahayag ni Revilla na inaasahang magiging landslide victory sa eleksyon sa 2022.