Advertisers
KILALA ang pamilya Advincula sa siyudad ng Pasay.
Nasa pulitika na ang mga ito noong ang panahon ay hindi pa ganito katindi ang sitwasyon lalo na sa isang lungsod na may ilan panahon ding binansagang Sin City of Metro Manila.
Kung baga, may tahid na sa pulitika ang angkang ito mula sa patriarch ng pamilya na si Konsehal Ed Advincula, ama ni Richard Advincula na isa ring konsehal ng lungsod gaya ng kanyang yumaong ama.
Isa pang Advincula na si Konsehal Jerome ang maaga ring pumalaot sa daigdig ng pulitika ng siyudad sa napakamurang edad.
Nanalo si Jerome at itinanghal na nag-iisang konsehal na oposisyon kung saan nanalo via landslide ang buong ticket ng noo’y incumbent Mayor Antonino Calixto.
Isang powerful ticket ang inilarda ni Mayor Tony Calixto noon na kumopo sa lahat ng posisyon sa konseho (except one) ng dalawang distrito ng Pasay pati na rin ang vice mayoralty post na pinagwagian ni VM Boyet Del Rosario na ka-tandem ni Tony Calixto.
Unfortunately at that time, ang ma-prinsipyong si Konse Richard Advincula ang nakalaban nitong si Del Rosario.
Ang nanalong si Jerome Advincula na naiwang nag-iisang oposisyon sa Konseho ng Pasay ay nanatiling oposisyon sa kabila ng matinding “pressure” mula sa mga naka-upong kaalyado ni Mayor Tony Calixto.
By the way, isang Calixto rin ang naka-upong kongresista ng lone district ng Pasay sa katauhan ni Congw. Emi Calixto Rubiano,nakababatang kapatid ng alkalde ng mga panahong iyon kung saan, literal na nabu-bully sa plenary ng konseho ng siyudad ang batang Advincula.
Ipinaglaban ni Jerome Advincula ang tinig ng mga Pasayenos sa mga panukalang ordinansang pinaniniwalaan nitong hindi magdudulot ng buti at tulong sa kanyang mga kababayang taga-Pasay.
Sa lahat ng pakikipagtunggaliang ito ng batang konsehal na si Jerome Advincula sa mga antigo at senior councilors ng Pasay na kaalyado ni Mayor Calixto, hindi bumitaw sa likuran ng anak si Richard Advincula.
Kinontra ni Jerome ang planong pangungutang ng pamahalaang lungsod ng Pasay ng tumataginting ng Php 3 bilyon sa Philippine National Bank (PNB) gayong may bilyones na ngang naunang utang ang Pasay LGU.
Sa tingin ni Konse Jerome Advincula noon, tuluyang malulubog lamang ang lungsod sa napakalaking utang na hindi naman maipaliwanag kung maayos na nagagamit para sa pakinabangan ng mga mamamayan o nalulustay na lamang at napupunta sa lukbutan ng iilang pinagpalang pulitiko ng lungsod.
Ofcourse, saan nga naman pupulutin ang nag-iisang tinig ni Konse Jerome kumpara sa majority consensus ng Team Calixto na may matinding monopolya sa bilang ng mga konsehales sa Pasay City Council.
Pero hindi iyun ang punto at isyu, gaano man ka-tindi ang adversaries na kinakaharap ng pamilya Advincula sa larangan ng pulitika sa Pasay, nananatili silang kumakapit sa kanilang prinsipyo at pakikipaglaban para sa kapakanan ng mga Pasayenos.
Hindi binibilang ang bawat talo o panalo sa eleksyon, ang mahalaga ay kung gaano kaigting ang iyong damdaming at pagnanasa na patuloy na ipaglaban ang tinig ng maliliit na Pasayenos na nakikita ng mga Advincula na nadedehado sa laban at hindi napaparehas.
Ang sidhi ng kalooban na ilabas ang katotohanan sa bawat isyung dapat at nararapat lamang talakayin sa publiko at ipaglaban.
Karapatan ng bawat Pasayenos na malaman ang bawat kaganapan sa mga nangyayari sa loob at labas ng city hall.
Karapatan ng mga mamamayan ng Pasay na mabatid ang bawat pagkilos ng kanilang mga halal na opisyal ng siyudad at kung ang mga ito ba ay gumagawa ng naaayon sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Sa madidilim na bahaging ito ng kasaysayan ng siyudad, tinig ng pamilya Advincula lamang ang pumapailanlang kung saan ang iba pang mga opisyales ng lungsod ay pawang napipi o naputulan ng dila sa gitna na nakakarinding katahimikan.
Tanging boses ni Richard Advincula ang hindi mapatigil ng administrasyong Calixto sa patuloy na pagbatingaw sa mga katotohang nakakubli sa matayog ng gusali ng city hall ng Pasay.
Lahat ng kilalang oposisyon ay tila nangawala sa himpapawid ng walang kasiguraduhan at nilamon ng maling sistema.
Tanging ang mga Advincula lamang sa pangunguna ni Richard Advincula, RA sa mga taong malalapit sa kanya ang paratihang naririnig.
Gaano man katindin ang laban, di sumagi sa isip at puso ni Richard Advincula ang sumuko at mawala ng pag-asa.
“Hindi kailan man sinusukuan ang pakikihamok para sa karapatan at interes ng iyong mga kababayan”, battle cry ni RA sa tuwi-tuwina.
Kung baga sa bakal na asero, pinanday ng palo ng maso at nakakamatay na lagablab at init ng apoyang kanyang prinsipyong ipinaglalaban…
Na ang Pasay ay hindi para sa iilan lamang na pinagpalang pamilya at mga balimbing at hunyangong kaalyado na pawing pang-personal na interes lamang ang isinusulong…
Para ito sa mga simpleng Juan dela Cruz na nananahan sa nasabing marikit na siyudad.
Hindi para sa mga puro yukong pulitiko na ang alam lamang sabihin ay “YES SIR at YES MA’AM!
Na ang alam lamang gawin ay isahod ang magkabilang kamay para tumanggap ng biyayang hindi alam kung legal nga ang pinagmulan at pinanggalingan!
Bigyan ng pagkakataon ngayong Mayo 8, 2022 ang isang Richard Advincula na pamunuan ang Pasay tungo sa isang matapat at may pusong pamamalakad na naka sentro sa Diyos at taongbayan ang interes at intensiyon.
Iluklok sa city hall ng lungsod ang Messiah ng Pasay na si Richard Advincula!
Get rid of traditional garbage politicians!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting