Advertisers

Advertisers

2 MAYOR SA BASILAN NIRATRAT: 1 PATAY, 1 GRABE!

0 282

Advertisers

PATAY sa pamamaril ang isa sa mga alkalde sa Basilan at isa ang sugatan sa seaside sa Barangay Baliwasan, Zamboanga City nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na si Al-Barka, Basilan Mayor Darussalam Saguindilan Lajid; at driver nito na si Barad Nuruddin; habang nasa kritikal na kondisyon ang alkalde ng Akbar, Basilan na si Alih Salih at dalawang security escorts nito na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital sa naturang lungsod.

Binawian ng buhay sa pagamutan si Lajid at driver nito.



Ayon kay Police Major Shellamie T. Chang, spokesman ng PRO9, 8:31 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa seaside ng Brgy. Baliwasan.

Sakay ang mga biktima sa isang barge mula sa probinsya ng Basilan at habang nasa pantalan ang mga ito nang biglang paputukan ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na apat na ‘di pa nakikilalang mga salarin na sakay ng mga motorsiklo ang namaril sa dalawang alkalde gamit ang caliber .45 pistol at agad tumakas sa loob sa bahagi ng seaside.

Hinala ng mga kaanak ng dalawang biktima, konektado sa politika ang motibo sa pamamaril, bagamat ‘di nila matukoy kung sino sa dalawang alkalde ang target ng mga salarin.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">