Advertisers

Advertisers

Lider g NPA 2 beses ‘pinatay’ ng militar

0 425

Advertisers

ISA si Joven ‘Lex’ Ceralvo sa mga napatay ng militar sa isang engkwentro laban sa New People’s Army sa Iloilo noong Disyembre 1.

Ayon sa ulat ng 3rd Infantry Battalion noong Sabado, napatay si Ceralvo kasama ang walo pang NPA members sa bakbakan sa Barangay Alimodias, Miag-ao, Iloilo.

Sa report, sinasabing second deputy secretary si Ceralvo ng Southern Front ng Komiteng Rehiyon-Panay (SF KR-P) at commanding officer ng Front Operational Command.



Gayunman, hindi nakalusot ang ulat ng militar sa mata ng ilang netizens.

Nang ilutang ito ng ilang netizens ang screenshot ng isang artikulo noong 2019 na sinasabing napatay ang isang Joven ‘Lex’ Ceralvo sa isang bakbakan sa parehong lugar noong Marso 24, 2019.

Paliwanag naman ni Maj. Gen. Benedict Arevalo ng 3rd Infantry Battalion, ang writer ng ulat ang nagkamali.

“I think it’s a mix up [on the part] of the writer, not us. We are not the ones wrong here,” aniya.

Ani Arevalo, ang tunay na Ceralvo ang kanilang napatay sa bakbakan noong Disyembre 1, batay na rin sa kumpirmasyon ng PNP-SOCO.



Samantala, nakipag-ugnayan umano siya sa mga naging parte ng engkwentro noong 2019 at nakumpirma niya na hindi si Ceralvo ang napatay noon, kundi ang alalay niyang si Leonardo ‘Abel’ Seterra.

“[Seterra] was like a subleader, a squad leader or platoon leader under Ceralvo. So when it was reported back then that a leader had been killed, I think the writer mixed it up to say that it was Ceralvo,” dagdag pa ni Arevalo.