Advertisers

Advertisers

Pekeng pulis timbog sa Cavite

0 284

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki na nagpanggap na pulis at nakuhanan pa ito ng kumpletong police uniform at baril sa Imus, Cavite.

Kinilala ang inaresto na si Leo Mendoza, 41 anyos.

Ayon kay Police Lt. Col. Noel Calaptia, OIC ng Imus City Police Station, inaresto nila si Mendoza nang magsumbong ang isang concerned citizen na may lalaking nagpaputok ng baril ng 3 beses sa kanilang lugar.



Pagdating ng mga pulis, nagpakilala si Mendoza na isa siyang pulis na may ranggong SPO2.

Pero sa imbestigasyon ng Imus Police Station, wala ang pangalan ni Mendoza sa Personnel Accounting Information System ng PNP.

Nakumpiska pa kay Mendoza ang ilang set ng police uniforms kabilang na ang General Office Attire o kulay blue na uniform at fatigue field service uniform.

May pangalan rin ni Mendoza ang uniform na may patch ng Manila Police District.

Bukod sa uniform, nakuhanan rin siya ng kalibre 45 baril at mga ID pa na nakasuot siya ng police uniform.



Nahaharap si Mendoza sa maraming kaso kabilang na ang paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Act, Illegal Use of Insignias at Usurpation of Authority.