Advertisers
INANUNSYO ng Department of Health (DOH) na nagdudulot ng mild COVID-19 case sa mga pasyente ang bagong Omicron COVID variant.
Pahayag ni Health Secretary Francisco Duqu, III, na nakikipag-ugnayan na umano siya kay World Health Organization (WHO) Country Representative Dr. Rabi Abeyasinghe.
Ani Duque, maraming lumalabas na ebidensiya na mild case lamang ang ipinapakita ng Omicron variant.
Dagdag pa ng kalihim, wala pa namang naitatalang namatay sa nasabing variant.
Samantala, sinabi ng kagawaran na sa higit 40 bansa sa buong mundo ay nakapag-ulat ng mahigit 500 kaso ng naturang variant.