Advertisers
DINAKIP ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang pulis na nangongotong sa mga biyaherong walang maipakitang vaccination card sa entrapment operation sa Bayambang, Pangasinan.
Kinilala ang naaresto na si Corporal Daniel Penuliar, nakatalaga sa Bayambang MPS, Pangasinan PPO.
Ayon kay BGen. Oliver A. Enmodias, Direktor ng PNP-IMEG, 7:15 ng gabi nang isinagawa ang entrapment operation sa checkpoint sa Brgy. Pantol, Bayambang.
Inaresto ng mga operatiba si Cpl. Penuliar nang tanggaping ang P500 mula sa isang kabaro na nagpanggap na motorista nang pahintuin at sitahin sa checkpoint sa axis road sa nasabing Barangay.
Sinabi ni Enmodias na modus ni Cpl. Penuliar ang sitahin ang mga motorista at hahanapan ng vaccination card. Kapag walang maipakita ay pinagbabayad ng P 500 bago payagan makabiyahe o makadaan.
Narekober kay Penuliar ang PNP ID, Glock pistol na may 3 magazines, hand held radio at mark money na P500.
Nasa kustodiya si Solomon ng IMEG Luzon Field Unit, Headquarters, Clark Airbase, Angeles City, Pampanga para sa documentation at paghahanda ng kasong Robbery- extortion.(Mark Obleada)