Advertisers

Advertisers

2 Nigerian, 3 pa huli sa BDO hacking

0 126

Advertisers

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang indibidwal kasama ang dalawang Nigerian nationals dahil sa pagkakasangkot sa “Mark Nagoyo Heist Group”, ang grupo na responsable sa BDO hacking na nakaapekto sa 700 kostumer.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga suspek na sina, Ifesinachi Fountain Anaekwe alyas Daddy Champ, Chukwuemeka Peter Nwadi, Jherom Anthony Taupa, Ronelyn Panaligan at Clay Revillosa.

Naaresto sina Anaekwe at Nwadi na kapwa Nigerian national sa entrapment operation ng NBI-Cybercrime Division (NBI-CCD) sa Mabalacat, Pampanga noong January 18, 2022.



Nag-ugat ang operasyon sa impormasyon na ibinigay ng impormante na may transaksyon sa mga suspek.

Ang impormante lumutang sa NBI-CCD upang magbigay ng impormasyon kaugnay sa ilang indibidwal na pinaniniwalaang lider, miyembro o nauugnay sa Mark Nagoyo Group.

Maalala na December 2021, isang grupo ang nagsagawa ng malawakang pagnanakaw na kinasasangkutan ng BDO at higit sa 700 mga customer nito.

Ayon sa inisyal na ulat, ang nasabing grupo at na-access ang bank accounts at nalimas ang kanilang mga pera.

Sa email confirmation ng mga illegal transfer, ipinakita na isinagawa ang transaksyon ng isang Mark D. Nagoyo.

Ayon sa impormante, nakikibahagi ang mga suspek sa negosyo ng pagbibigay ng mga access device sa sinumang naghahanap ng mga opsyon para i-cash out ang mga pondong nakuha nang mapanlinlang.



Ang mga access device na ito mula sa mga bank account, crypto wallet, o kahit na mga point-of-sale na terminal ng mga lehitimong merchant.

Dagdag pa rito, nang tawagan ng isang Mark Froilan ang impormante tungkol sa mga money cash out, nakipag-ugnayan ang huli kay Champ na pagkatapos sinabing bibigyan niya ang impormante ng tatlong (3) magkakaibang mga account para makapaglipat siya dito ng Php 10 milyon bawat isa, na tila tinutukoy ang ang pondo mula sa BDO.

Dahil dito naaresto ang dalawa sa operasyon habang aktong iniaalok ang account for sale.

Samantala, naaresto rin sina Jherom Anthony Taupa sa buy bust operation sa Floridablanca, Pampanga dahil sa pagbebenta ng “scampage” o phishing website.

Sa impormasyon, si Taupa ang mastermind umano ng Mark Nagoyo Heist.

Naaresto rin sa hiwalay na operasyon sina Panaligan at Revillosa na kapwa sangkot sa BDO hacking bilang web developer at downloader.

Mahaharap sa kasong Trafficking in Unauthorized Access Devices sa ilalim ng Section 9 of RA 8484 o mas kilala bilang Access Devices Regulation Act of 1998 sina Anaekwe at Champ

Sina Taupa, kakasuhan ng Misuse of Devices sa ilalim ng Section 4(a)(5)(i)(aa) of RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.(Jocelyn Domenden)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More