Advertisers

Advertisers

3 TESTIGO LUMUTANG KONTRA ‘PEKENG HEREDERO’ NG TYCOON

0 315

Advertisers

HINDI malayong malamig na rehas sa halip na pera ang himasin ng isang “ampon” na puwersahang umaagaw sa mga ari-arian ng nag-ampon sa kanyang business tycoon mula sa mga tunay na tagapagmana sa Pasay City.

Ito ay matapos lumabas ang mga testigo at nagpatunay na walang karapatan si Albert Nocom na angkinin ang mga pag-aari ng umampon sa kanyang business tycoon na si Mariano Nocom Sr. sapagkat wala siyang pormal na adoption papers at hindi rin siya kadugo ng mga Nocom.

Sa salaysay na isinumite sa Pasay City Regional Trial Court, hayagang sinabi ng isang malapit sa pamilya ng yumaong Tsinoy business tycoon na hindi kabilang at walang karapatan sa kayamanan ng yumaong matanda si Albert Nocom.



Una nang sinampahan ng kaso sa piskalya ni Mariano Nocom Jr. na lehitimo at panganay na anak ni Mariano Sr. si Albert kaugnay ng umano’y pangangamkam nito sa yamang ipinundar ng kanyang ama.

Sa kanyang salaysay, sinabi ng testigong si William Peter Wong na nag-ampon ang matandang Nocom ng isang batang lalaking kalaunan ay ipinakilalang Albert.

Giit ni Wong, pamangkin ng matandang Nocom, kilala niya lahat ng kanyang mga pinsan mula pagka-bata, maging ang dalawang anak ng yumaong nego-syante sa pangalawang asawang si Anacoreta Ong Pe – sina Caroline at Marietta.

Anak naman, aniya, sa unang asawang si Isabel Torres ng matandang Nocom sina Mariano Jr., Marcelino at Manolito.

“Mariano Sr. and Anacoreta informally adopted a young lad whom they later named as Albert, and the entire clan is aware of the fact that Albert is not in any way related by blood to Mariano Sr.,” saad ni Wong sa kanyang sinumpaang salaysay.

Kaduda-duda rin, aniya, ang birth certificate ni Albert na nagsasabing ipinanganak siya sa isang maliit na klinika sa magulong bahagi ng Tondo, Maynila.



“Napaka-imposible na doon siya iniluwal sa maliit na klinika lang sa isang eskinita sa Tondo. Napakayaman ni Mariano Sr. May pera naman siya noon pa man.

Katunayan napakalaki ng mansyon niya sa isang magarbong subdivision sa Makati kungsaan nakapalibot ang mga mamahalin at kumpleto sa kagamitang mga hospital at may mga magagaling na doktor,” pagpapatuloy ni Wong.

Bukod kay Wong, nagsumite rin ng magkabukod na testimonya ang kapatid ng yumaong negosyante – sina Anita at Dominga Nocom.

Sa salaysay ng mga kapatid na babae ni Mariano Sr., may dalawang pamilya ang kanilang yumaong kapatid kungsaan nagkaroon ito ng limang anak – sina Mariano, Marcelino at Manolito sa unang asawa at sina Caroline at Marietta sa pangalawang asawa.

Giit nina Dominga at Anita Nocom, hindi kabilang sa mga anak ni Mariano Sr. si Albert, taliwas sa pagpapakilala ng huli.

“Si Albert ay kilalang-kilala sa aming angkan bilang ampon ng kapatid namin (Mariano Sr.) at ng kinakasamang si Anacoreta. Hindi na siya sanggol nang dumating sa buhay ni Mariano Sr. at Anacoreta, bata na. Wala nga siyang nakuhang pagkakahawig manlang sa kapatid namin,” saad nina Dominga at Anita sa kanilang testimonya sa piskalya.

Wala rin, anila, silang matandaang nagkaroon ng pagtitipon ang angkan sa unang kaarawan ni Albert – bagay na tradisyon umano ng kanilang pamilya.

“Kaugalian sa aming pamilya ang ipagdiwang ang kapanganakan ng mga anak, lalo pa kung lalaki. Kaya kung tunay na anak talaga ng kapatid namin si Albert, bakit wala siyang ganung pagdiriwang ng kapanganakan? Hindi nga siya ipinakilala sa amin bilang anak. Ang pakilala lagi sa amin ni Mariano Sr. at Anacoreta kay Albert ay ampon nila,” dagdag pa ng dalawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More