Advertisers

Advertisers

Defensor kinutya sa maling paratang sa QC

0 463

Advertisers

KAMAKAILAN may mga kinalat si Anak Kalusugan Party List Representative Mike Defensor na paratang at alegasyon laban sa lokal na pamahalaan ng Quezon City. Ngunit mukhang nag-backfire ito kay Defensor dahil sa kontrapunto ni Quezon City Spokesperson Pia Morato, na nag-mistulang katatawanan ang mismong nag-akusa.

Ayon kay Defensor, kinukwestiyon daw ng Commission on Audit (COA) ang kairalan ng pandemic procurements ng lungsod, na nagkakahalaga ng P479 milyon. Lumabag din daw ang city government sa mga regulasyon ng procurement law. Dagdag pa ni Defensor na ang mga pahayag na ito ay galing daw sa pinaka-bagong COA report, na kaka-post lang daw sa website ng COA.

Ngunit kung titignan ang website ng COA, wala namang bagong post o report dito. Sa katunayan, ang mga alegasyon ni Defensor ay batay sa report na naka-post sa website ng COA noong July 2021 pa. Ito ay “partial section”, o maliit na bahagi lamang, ng year-end audit report ng Quezon City para sa taong 2020.



“Palagay ko ay panahon na para kumuha ng mas mahusay na researcher at PR team ang panig nila Defensor,” ayon kay Morato. Pinaliwanang pa ng spokesperson na “noong pinadala nila ang kanilang statement sa media, nag-research ang mga reporter at editor para alamin kung totoo nga ba ang mga paratang ng kampo ni Defensor. Doon nila nakita na galing pala ito sa year-end COA report kung saan iginawad pa nga sa Quezon City ang pinakamataas na audit rating sa buong kasaysayan ng lugar. Ang intensyon nila ay sirain ang reputasyon ng QC LGU, pero kabaliktaran pa ang nangyari.”

Sa 42 pages ng buong COA report, ang mga bintang ni Defensor ay kinuha lamang sa tatlong pahina nito. Ang diumano’y pag-kuwestyon ng kairalan ng P479 million para sa pandemic procurements ay wala din sa nasabing report, ngunit may payo lamang ang COA na dapat ma-kumpleto ng QC ang mga requirement upang mapag-aralan ito ng ahensya.

Ipinahayag ni Morato, “sa loob ng ilang linggo lamang, ipinasa ng QC LGU ang lahat ng supporting documents kaugnay nitong P479 million. Dahil sobrang nasiyahan ang COA sa aming paperwork at transparency, binigyan nila kami ng highest unqualified opinion para sa buong taon.”

“Mukhang masyado nang matagal sa loob ng bahay si Cong. Defensor, kaya ata siya nalilito. 2022 na, ‘wag na tayo mag-imbento at gumawa ng mga kwentong minero, lalo na tungkol sa mga bagay na nangyari noong 2020 pa,” panapos ni Morato.