Advertisers

Advertisers

Lider ng NPA patay sa engkwentro

0 93

Advertisers

Patay ang isang mataas na lider ng New People Army at kasama nito sa naganap na engkwentro sa pagitan sa Impasugong, Bukidnon.

Kinilala ang napatay na si Pedro Codaste alias Gonyong/Serv, NPA’s number 2 Commander sa Mindanao bilang Deputy Secretary ng Komisyon Mindanao (KOMMID) at isang alias Zandro.

Ayon kay Lt Col Neil Armstrong Batayola, Commander ng 16 Infantry Battalion, naganap ang engkwetro sa pagitan ng pinagsanib na elemento ng 16IB at PNP Special Action Force at 15 rebelde sa Barangay Kalabugao, Impasugong, Bukidnon.



Sa isinagwang clearing operation ng mga otoridad natagpuan ang bangkay ng dalawang nasawi rebelde at pagkakarekober ng 1 AK 47 rifle at 1 cal 45.

Si Codaste ang tumatayong acting KOMMID Chairman nang mapatay Cabanatan alias Kuba, Madlos alias Ka Oris at Villanueva alias ka Bok. Miyembro si Codaste ng CPP’s Central Committee atConsultant ng National Democratic Front (NDF). Dati rin Secretary ng Guerilla Front 4A (GF4A) sa Agusan del Sur noong 1990 at naging Secretary ng North Central Mindanao Regional Committee noong 2009. Naitalaga rin ito sa Central Committee sa ginanap na CPP 2nd Congress noong 2016.

Sa report mayroon warrant of arrest si Codaste sa kasong murder, double frustrated murder at attempted murder na itinuturing na most wanted fugitives.

Patuloy ang pagtugis ng militar laban sa mga tumatakas na mga rebelde.(Mark Obleada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More