Advertisers

Advertisers

Nurse patay sa ambush

0 494

Advertisers

Patay ang isang lalaking nurse nang barilin habang sakay ng motosiklo sa Barangay Pahinga Norte sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Denreb Ibre, 30-anyos, na kaagad pumanaw matapos pagbabarilin ng salaring nakasakay din ng motorsiklo.

Sa ulat, nakaangkas sa motorsiklo si Ibre, at tumigil habang palabas na sana sa highway 3:00 ng hapon.



Dito na sumulpot ang salaring nakasakay sa motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Hindi naman nasaktan ang rider ng motorsiklo na sinasakyan ni Ibre.

Kaagad namang tumakas ang salarin nang maisagawa ang krimen.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Candelaria police upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng salarin.