Advertisers

Advertisers

NETIZENS: PANALO SI ISKO, MAY TOTOONG PLANO

0 315

Advertisers

PARA sa maraming netizen, kasama ang mga kritiko niya, ay nagkaisa na si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang nanalo sa ‘Presidential Interviews’ ng GMA-7.

Trending ang deretso, prangka, walang angas at matapat na sagot ni Yorme Isko na ilang oras matapos maiere ang interbyu, umani ito ng mahigit sa 900 libong manonood.

Mahigit sa 5000 searches ang sumilip sa Google nang ipangako ni Isko na sa Disyembre 2022, makukumpleto niya ang rehabilitasyon ng Marawi City.



“… Isko owned this one. He offered more practical, specific, and doable solutions,” sabi ni Vivian Velez, pangulo ng Film Academy of the Philippines, sa kanyang Facebook page.

Kilalang Duterte ‘fanatic’ si Vivian na minsang iminungkahi na magdeklara ng revolutionary government ang pangulo.

“Obviously Isko won,” sabi ni Krizette Laureta Chu, associate Lifestyle editor ng Manila Bulletin.

Kritiko ni Yorme si Chu pero inaming si Moreno ang mas kapa ang sitwasyon, prangka sa pagsagot at “the most in touch, most direct to the point, most refreshingly candid candidate.”

Nawala raw ang angas, mabulaklak na salita ni Yorme at ang pag-amin na idineklarang ‘income’ ang P50.5-M na natira sa donasyong campaign fund noong 2016 elections.

Sabi ni Caren Yamog dela Cruz, si Yorme ay may concrete plan, “Hindi puro statement lang.”



Magaling sumagot si Yorme Isko, sabi ni Gwapong Marinduqueno, “… may totoong plano sa bansa.”

Jaypee Canlas: “Kung titignan mo napaka basic ng mga cnsbi ni yorme pero un ung 1 sa mga dpt bigyan jg pansin. #Yorme2022.”

Sabi ni JLeili Suarez, may praktikal na solusyon si Isko, “based on his own accomplishments as Mayor. The others…WORDS.”

Doable ang solusyon ni Isko sa mga problema ng bansa, sabi ni Suzette Kho Walker, at sabi naman ni Twitter users na si @icedcoffee43, “tangible proof” si Moreno.

Sa ipinakitang makisig na sagot ni Yorme, di raw nakapagtatakang paboritong ‘second choice’ si Isko ng mga botante, sabi ni @LakasNgTimog.

Tiyak daw, naagaw ni Isko ag mga boto ng Kakampik at “delikado si Lenlen,” kantiyaw ni @LakasNgTimog.

Konti na lang daw, makukumbinsi na si Rey Boton, brodkaster ng Radyo Natin Virac, kasi, “Magaling ka po mag-explain Isko Moreno Domagoso. Napapahanga po ninyo ako ….”