Advertisers

Advertisers

Interview With BBM ng ‘ASPN’ hosts, patok!

0 292

Advertisers

NAITAWID nang maayos at buhay na buhay ng dalawang mahusay na hosts na sina Ali Sotto at Pat-P Daza ang espesyal na edisyon ng ASPN (Ano Sa Palagay Nyo?) Primetime nitong nakalipas na Linggo, Feb. 6, 9pm sa Net 25.

Organisado at may saysay ang mga inihandang katanungan nina Ali at Pat sa kanilang panauhin na si Presidential Aspirant Bongbong Marcos na pinamagatang Interview With BBM.

Obyus na nasa mood si Sen. BBM sa husay ng dalawang hosts kaya naging maganda ang palitan ng mga dayalogo nila na kina-enjoy sa panonood ng viewers.



Siyempre, sa mga tanong nina Ali at Pat ay naroon ang mga plano ni BBM sakaling siya ang mahalal na pangulo ng bansa.

Ika nga ni Sen. Bongbong, hindi anya ito pulitika lang, dapat daw na magkaisa ang mga Pinoy at marami pang magagawa basta isantabi ang mga personal na interes.

Proud si BBM sa mga Pinoy na laging nagkakaisa kaya kahit ano anyang krisis at pandemya ang dumating ay nakaka-survive.

Halatang pinag-aralan nina Ali at Pat ang kanilang assignment na kilatising mabuti si BBM para higit siyang makilala ng tao.

Binanggit pa ni Ali na ilang beses na rin anya siyang gumanap na Imelda Marcos sa pelikula, TV at stage play at itinanong niya kay BBM kung alam niya ito.



‘Oo’ naman ang sagot ng presidentiable na halatang ikinasiya naman ni Ali.

Sinabi pa ng senador na hindi raw naman masamang mag-appoint ng mga kaanak o kaibigan sa Gabinete basta may kakayahan ang mga ito.

Nang tanungin naman nina Ali at Pat kung paano napapanatiling maganda ni Sen. BBM ang sarili, sagot nito, mahilig daw siyang kumain ng mga sariwang gulay at lagi siyang nasa gym.

Hindi raw siya mahilig manood ng TV kundi magbasa lang ng mga aklat ang kanyang libangan. (BKC)