Advertisers

Advertisers

Mga DDS, sumanib na kay Isko!

0 271

Advertisers

TILA kinakasihan ng Diyos ang kandidatura ni Aksyon Demokratiko standard bearer at Manila Mayor Isko Moreno, dahil parami nang parami ang mga supporters nya.

Inumpisahan kasi ni Moreno ang kanyang 90-day na kampanya sa pagdalo sa isang misa sa kanyang kinalakihang distrito ng Tondo. Sa Sto. Nino Parish Church nagsimba si Moreno kasama ang kanyang maybahay na si Dynee, mga kasamahan sa tiket na sina Vice Presidential candidate Doc Willie Ong, senatorial candidates Dr. Carl Balita, Samira Gutoc at Atty. Jopet Sison at gayundin sina Manila mayoral candidate Honey Lacuna at vice mayoral candidate Yul Servo.

Ang matinding suporta ay nakuha ni Moreno mula sa mismong mga opisyal at miyembro ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) ay nagsilipat na sa kanyang kampo. Kung matatandaan, ang grupong ito ang siyang nasa likod ng pagtakbo at pagwawagi ng noon ay Davao City Mayor Rodrigo Duterte noong 2016 elections.



Nauna diyan, isa pang die-hard Duterte supporter sa katauhan ng aktres na si Vivian Velez, pangulo ng Film Academy of the Philippines, ang nagpahayag na din ng pagsuporta kay Moreno at sa katunayan ay aktibo ngayon sa pag-mobilize ng kanyang grupo upang ikampanya si Moreno.

Sa proclamation rally ng Aksyon Demokratiko, mismong si dating Agrarian reform Secretary John Castriciones, na siyang presidente ng MRRD, ang naghayag ng pagsuporta kay Moreno hindi lamang niya kundi ng buong grupo nila.

“In my capacity as president of the MRRD-NECC, we manifest our strong support for the candidacy of Mayor Isko Moreno Domagoso. Ngayong election na ito, amin pong sinusuportahan ang kandidatura ni Mayor Isko Moreno, ang susunod na presidente ng ating bansa,” ani Castriciones.

“Ako po ay tumatakbong senador. Pero ngayong hapon na ito, nandirito ako hindi para mangampanya para sa aking sarili. Ako po ay nandirito ngayon para suportahan ang kandidatura ni Mayor Isko Moreno Domagoso,” dagdag pa ni Castriciones.

Si Castriciones, na dating Duterte Cabinet member, ay nagsabi na nagkausap sila mismo ni Moreno at matapos niyang malaman ang katayuan at plano nito para sa agrikultura ay napagtanto niya na si Moreno na nga ang karapat-dapat na maging susunod na Pangulo ng bansa dahil sa malinaw na polisiya nito.



Maging si Mayor Dennis Tom Hernandez na dati ay nakasuporta sa naunsiyaming pagtakbo ni Senator Bong Go ay sumusuporta na din ngayon kay Moreno.

“Hinahangaan ko po ang Manila.Siyempre po, tayong mga magulang, iniisip natin ang future ng ating mga anak. Kaya po nakikita ko sa inyo, galing po kayo sa hirap, naiintindihan niyo po ang sentimyento ng ating mga kababayan,” ayon kay Hernandez.

Itong si Hernandez ay tumatakbo sa ikalawang termino bilang mayor ng Rodriguez, Rizal na may 209,000 rehistradong botante.

Balikan natin ang mga sinabi ni Isko sa kanyang proclamation rally. Sa panahon ng pula, 21 years at 18 taon naman sa dilaw at pink. Kung kayo ay nagbakasakali, suma total ay 39 years nyo sila nasubukan, bakit hindi kayo mgbakasakali sa kanya ng 6 na taon?

Oo nga naman. Tutal nagbakasakali na kayo dun sa dalawa, tama lang na subukan naman natin si Isko nang maiba nman at sigurado naman na may mangyayari dahil may pruweba na sya.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.