Advertisers
Yeng Guiao, Jojo Lastimosa, Frirz Gaston. Sila ang mga personalidad sa PBA o galing sa liga na hayagang maka-Leni.
Si Coach Yeng ng NLEX ay aktibo sa kampanya. May viral na post na speaker siya sa isang community outreach sa Tondo na norganisa ng mga Robredo volunteer.
Nagsagawa ng Pink Pamasko sa lugar ang UP Epsilon Chi Fraternity at inimbitahan nila ang batikang mentor na magbahagi ng kaalaman sa tamang pagboto at kung bakit the best choice ang biyuda ni Sec Jessie.
Noong panahon ng martial law ay nakulong ang ama na si Bren. Sa People Power Revolution ay isa siya sa pangunahing tauhan lalo na sa Pampanga. OIC-governor nga siya sa lalawigan sa panahon ni Tita Cory.
Yung tiyuhin niyang dating alkalde ng Magalang, Pampanga ay naglilibot din para sa ating Pangalawang Pangulo.
Ang assistant niya sa Road Warriors na si Jolas ay kapanalig din niya. Nagpost ang asawa na si Butchick sa Facebook ng letrato nilang dalawa na twibbon na kulay rosas. Sa isang Messenger chat ay nakumpirma na mismo ang cager ay Lening-Leni. “ Pati ba si Jojo ay pareho kayo ng suportado sa pagkapangulo?” tanong natin sa dating segment producer ng Vintage Sports para sa Burlington Basketball Tios.
“ Of course!” ang mariing sagot ng kabiyak ng PBA legend.
Si Fritz naman na nagdribol naman noon sa Crispa at Utex ay matagal na nating batid na bilib sa ating VP Leni.
Sa katunayan nang minsan nadalaw tayo sa bahay niya ay may nakasabit pa sa gate niya ng Leni poster.
“ Siyempre sa matino at mahusay tayo!” eka ng PBA at UAAP champ.
Yung iba ay silent lang pero mga Leni supporter din. Isa diyan si Benjie Paras na nag-ambag pa para sa mga biktima ni Odette na pinadaan sa Leni Robredo Volunteer Center sa Katipunan, QC.
Nguni’t kung tahimik ang Tower of Power ay loud at proud naman ang misis niyang si Lyxen Diomampo.
Tiyak marami pang gaya ni Paras sa kanilang hanay.
Naiintindihan natin iyong mga nakakontrata ngayon na mga player na hirap magsalita. Pwedeng may directive kanilang mga koponan na huwag makihalo sa pulitika.
Ang hindi natin maunawaan ay may ilang beterano na may karga sa mga mapera at kurap na kandidato. Anong klaseng prinsipyo mayroon sila? Pinagbibili ba nila ang paninindigan? Magugutom ba sila kung tanggihan ang alok mula sa mga tiwali?
***
Sa volleyball naman ay nandiyan si Bea de Leon ng Choco Mucho Flying Titans. Yung isang meme hinggil sa posisyon niya a halalan ay kumalat sa social media. Sigurado may mga team mate din siyang pareho ang paniniwala.