Advertisers
POSIBLE nang magsagawa ng face-to-face graduation ceremonies at iba pang school-based activities sakaling bumuti ang sitwasyon ng Pilipinas sa gitna ng pandemya.
Pahayag ito ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan kaugnay sa bumababang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Malaluan, nakadepende pa rin ang pagpayag ng nasabing aktibidad sa lebel ng pagluluwag sa in-person protocols kung saan kanila rin itong ikokonsulta sa Department of Health.
Samantala, sinabi ni Malaluan na matagal pa ang graduation para sa School Year 2021-2022 kaya’t ito ay mapaghahandaan pa.