Advertisers

Advertisers

LABAN ROMBLON

0 754

Advertisers

MALINAW ang mensahe ng Romblon sa ginanap na rally ni Leni Robredo at Kiko Pangilinan sa lalawigan ng Romblon Huwebes ng hapon: Ayaw sa magnanakaw at mamamatay tao.

Ang Romblon ay kinabibilangan ng labing pitong bayan sa pitong isla ng lalawigan. Ang isla ng Tablas ang pinakamalaki na may siyam na bayan. Ang bayan ng Odiongan ang sentro ng komersyo kung saan ginanap ang pinakamalaking rally sa kasaysayan ng probinsya.

Masama ang panahon; malakas ang alon at may manaka-nakang pag-ambon. Ngunit nagulat kami sa init ng pagtanggap ng mga dumalo na nanggaling sa iba’t ibang isla, kabilang ang mga Indigenous Peoples (IPs) ng isla ng Sibuyan na binigyan ng panahon ni Robredo upang marinig ang kanilang hinaing tungkol walang habas na panggagahasa sa kabundukan



Kakaiba ang ginanap na rally sa ibang dinaluhan namin na pagtitipon. Sila ang nagkusa at hindi pinondohan ng kung sinong politiko at hinakot na tila mga preso. Kampante na nakisaya at nakinig sa mensahe na puno ng pag-asa. Kampante sila sa kaharap at hindi naisip na madudukutan.

Malaki ang partisipasyon ng mga kabataan na nanguna sa pag-organize sa ganoon kalawak na pagtitipon.
Halos lahat ng sektor ng lipunan, alagad ng sining, katutubo, mga lider ng mangingisda at magsasaka, negosyante, estudyante, señor citizens at mga manggawa – ay nagpahayag ng kanilang saloobin sa malawakang nakawan at patayan na naganap sa ilalim gobyerno ng napatalsik na diktador sa pamamagitan ng kani-kanilang plakard. “Singkit kami pero mulat na kami sa katotohanan”, ayon sa isang grupo ng mga tsinitang kabataan. Maging ang samahan ng mga LGBT ay nag-ambag ng kasihayan sa mala-fiestang pagtitipon. Wala sa eksena ang pinakatanyag na kauri nila.

Binigyan diin ni Leni Robredo ang kahalagahan ng tiwala sa sariling kakayahan ng mga Pilipino upang maging produktibo. Bilang Bise presidente hindi niya, aniya, sinayang ang kakarampot na budget ng kaniyang opisina at inilaan niya iyon sa mga proyekto na makakatulong sa mga maliliit na magsasaka, mangingisda at biktima ng pandemya.

***

Email:bootsfra@yahoo.com

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">