Advertisers

Advertisers

Alexa kinumpara ng basher sa tangke ng gasul, KD dumepensa; Willie dinenay na bilyonaryo

0 119

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA pamamagitan ng kanyang show na Wowowin: Tutok Para Manalo na napapanood sa Youtube at Facebook, nagsalita na si Willie Revillame tungkol sa isyu sa kanya na pinagsisisihan na raw niya ang paglayas sa GMA 7 para pamunuan ang Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS), na pagmamay-ari ni Sen. Manny Villar.
Balitang si Willie raw ang magpapatakbo nito kapag nagsimula na itong mag-operate.
Sabi ni Willie,”Hindi ko na papatulan ang mga negative. Kung nakakabasa kayo ng fake news, huwag na lang pansinin ‘yan, naku, mahirap na lang magsalita.
“Hindi ako naaapektuhan diyan, whatever you say, alam namin kung ano ang totoo, ang programang ito ay gumagawa ng paraan para makatulong sa mga kababayan.”
Pakiusap pa niya sa publiko, “Saka huwag niyo ako isusulat na bilyonaryo. Hindi ako bilyonaryo. Hindi ako businessman na bilyonaryo. Simple lang po ako, masinop lamang ako sa buhay.”
“Last week may mga lumalabas sa diyaryo, sa mga bilyonaryo na news diyan. Dapat reliable ang source niyo, kasi napi-fake news kayo.
“Sayang lang yung news niyo, sulat niyo ako nang isulat, kahit anong sabihin niyo sa akin, masama, walanghiya, wala sa akin ‘yan.
“Basta alam ng Diyos, alam ng aking mga nakakasama kung ano ang pagkatao ko at kung ano ang totoo. Di ba, yun ang importante?” aniya pa.
***
DINEPENSAHAN ni KD Estrada ang ka-loveteam na si Alexa Ilacad laban sa isang basher, na nilait ang itsura ng aktres. Ikinumpara ng netizen si Alexa sa isang gasul tank.
Sabi ng nasabing basher kay Alexa na ipinagtabi ang kanyang larawan sa isang Gasul tank: “Gasul ka ghorl @alexailaxad.”
At ang depensa ni KD sa basher ni Alexa,”kapal ng mukha neto ganda ka?”
O di ba, parang sinasabi ni KD na pangit ang nasabing basher.
Dinepensahan din si Alexa ng maraming netizens.
Komento ng isang netizen: “Shuta baka talampakan ka lang ni Alexa…duhhh di bale ng mataba maganda naman, bawing bawi na sa face, kesa naman payat nga dami naman tigidig sa mukha.
Ayon naman sa isa, hindi maganda ang pagba-body shame.
Aniya, “PSST, RESPETO. BODY SHAMING is making negative comments to HUMILIATE another person’s body weight, size or appearance. Children or teens who experience this, may develop SEVERE EMOTIONAL TRAUMA growing up. NO TO BODY SHAMING AND CYBER-BULLYING! NO TO YOU.”