Advertisers

Advertisers

Gabbi at Khalil dumaan sa psychiatrist bago sumabak sa taping ng serye

0 331

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

ISA sa hindi malilimutan ni Gabbi Garcia sa lock-in taping ng bagong serye nila ng boypren na si Khalil Ramos, ang ‘Love You Stranger’, ay ang care nito sa kanya sa tuwing umaga sa loob halos ng 2 buwan na taping nila.
Walang palya tuwing umaga sa pagkagising ni Gabbi ay nandun na ang boypren at may dalang isang tasa ng mainit na kape.
“Khalil never fails to make me my fresh cup of coffee every morning for almost 2 months here in our lock in taping. Ty 4ever,” say ni Gabbi sa isang larawan na ini-upload niya sa sariling account sa socmed na may dala-dalang isang tasa kape si Khalil.
Dahil maselan ang tema ng kanilang serye na isang mystery thriller na may kinalaman sa mental health, naging sobrang ingat ng cast sa paglalahad ng istorya at kinakailangan pang pakonsulta nina Khalil at Gabbi sa isang psychiatrist bago sumabak sa taping.
“Bukod sa romantic ito, mayroong mysterious side at thriller at angle towards mental health. Before mag-start ang taping, pinako-consult muna kami sa psychiatrist. Hindi basta-basta lang, they made sure we were responsible enough to tackle the topic,” dagdag na say pa ni Gabbi.
***
TULAD ni Marcelito Pomoy na tumuntong sa stage ng ‘American Got Talent’ at nakopo ang 3rd placer sa finals,sinubukan din ni Katrina Velarde na mag-audition virtually sa ‘American Idol’ nitong nakaraang taon.
Say ni Katrina, nakapasa naman siya sa virtual audition at kailangan naman niyang sumalang sa physical audition mismo sa US pero nagkaroon ito ng aberya sa kanyang visa at ‘di na nakaabot sa audition date na nilaan para sa kanya.
“Hindi pa talaga time. I remember a lot of amazing singers from different countries auditioning. I passed the levels but then the problem came and it’s always the visa. I won’t make it to the audition in person. Sayang,” say ni Katrina sa kanyang post sa Instagram.
Pero kahit may panghihinayang sa side ni Katrina dahil nakapasa siya sa virtual screening ay positibo pa rin ang pananaw ng naturang diva.
“Pag hindi pa talaga time, it’s not going to happen yet. So don’t rush, because there’s no shortcut. Might be a long way but if God wants you in there, then you will be,” dagdag pang say ni Katrina.