Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
SANAY na si Barbie Forteza kapag hanggang ngayon ay maraming nagpapantasya kay Jak Roberto.
“Oo naman! Actually, compliment na yun para sa akin, di bale na lang kung papatulan niya, di ba? Siyempre ibang usapan naman yun.”
Ayaw ba ni Barbie na i-share ang boyfriend niyang si Jak?
“Bakit ise-share? Airdrop? Ha! Ha! ha! Bakit ise-share? Hindi naman airdrop si Jak!”
Si Jak ba ay marunong magselos?
“Hindi seryoso, very mga pabiro, ganyan, kunwari pag may pina-follow ako, nila-like ako, ganyan.”
Tulad nino?
“Ay hindi, mabait ako, hindi ako nagpa-follow pag alam kong magseselos siya, hindi ko pina-follow.”
Wala rin naman daw pinagselosan si Jak kay Barbie.
“Wala naman, alam mo so far wala, ha? Eto, it’s safe to say, wala pa akong pinagselosan kay Jak, kahit yung kunwari di ba meron siyang Bubble Gang?
“Siyempre lahat ng mga babae diyan naka-nyeknyek shorts, naka-tank top lang, ganyan, in all fairness naman, wala.”
“Kasi naniniwala… ang maganda kasi kay Jak, naniniwala daw siya sa karma.
“So, iyon yung talagang thinking niya, na lahat ng bagay very mindful siya in doing… yung mga ganyang bagay. Baka daw kasi bumalik sa kanya.”
Naniniwala naman si Barbie na faithful si Jak sa kanya…
“Oo naman! ‘Tong ganda kong ‘to lolokohin mo? Tanga, ha? Ha! Ha! ha!”
Ano ang reaksyon ni Barbie kapag sinasabing siya ang GMA Primetime Princess?
“Masaya siyempre, mas inspired magtrabaho, kasi siyempre sa tagal ko na rin po sa, kahit papaano, sa showbiz, siyempre ramdam ko yan, na everytime laging may bagong pumapasok, so at least yung title na yun is a reminder na hindi ako napapabayaan ng network, kasi bingyan nila ako ng title, so ibig sabihin hanggang ngayon na-a-appreciate nila yung ginagawa ko, hindi nila talaga ako binabalewala.”
Muling mapapasabak si Barbie sa heavy na aktingan dahil mapapanood siya sa bagong episode ng Magpakailanman, ang Bipolar Mom sa Sabado, 8 PM, April 2, sa GMA. May hashtag itong #MPKBipolarMom na gaganap na ina ni Barbie si Jackielou Blanco.
Si Ms. Mel Tiangco ang host ng Magpakailanman.
Sa direksyon ni Neal del Rosario, sa panulat ni John Roque at sa pananaliksik ni Angel Launo, tampok din sa bagong episode na ito bukod kina Barbie bilang si Ashley at Jackielou bilang si Aie Aie, sina Mike Magat bilang si Rey at Kirst Viray bilang si Jack.
***
ANO ang reaksyon ni Bianca Umali sa opinyon ng marami na naipakikita niya nang husto ang husay niya bilang isang aktres, lalo na ngayon sa bago niyang serye, ang Mano Po Legacy: Her Big Boss?
“Wala po akong ibang masabi kundi maraming, maraming, maraming salamat po talaga sa lahat. Hindi rin ho kasi naging madali and napakalaki ng proyekto and I was very blessed to have been given the opportunity to be part of this project.”
Medyo comedy ang papel ni Bianca na para sa kanya ay mas mahirap pa minsan na magpatawa kaysa magdrama.
“And ngayon po na ganito na napapanood po ng mga tao and ang sarap po sa puso na nagustuhan po nila yung palabas namin wala ho akong ibang masabi kundi maraming salamat po.”
Isa sa mga adbokasya ni Bianca ay ang tungkol sa pagpapabakuna, ano ang mensahe niya sa mga tao, lalo na sa katulad niyang millennial, na takot at nag-aalinlangan pang magpabakuna kontra sa COVID-19?
“As everyone who knows, I do stand for having ourselves vaccinated, sa mga kaedad ko po or sa iba pa pong mga tao na nag-aalangang magpabakuna, I honestly, sinasabi ko naman ho na kahit naman ho ako noon, I had second thoughts and I wasn’t really sure if I even wanted to have myself vaccinated ever.
“Pero na-realize ko na… na-miss ko ho kasi yung pamilya ko, na-miss kong makasalamuha yung ibang tao, and the only way that I can keep myself safe and my family safe is if I have myself vaccinated.
“And if I promote sa lahat ang pagpapabakuna. So it’s not just for yourself, gawin ho natin para sa ibang tao,” pahayag pa ni Bianca.