Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SUBOK na ang tambalan nina JC Santos at Bela Padilla, halos lahat yata ng pelikulang ginawa nilang dalawa ay tinangkilik ng masa, tulad ng “100 Tula Para Kay Stella”, “The Day After Valentine” at ang “On Vodka, Beers, and Regrets”.
Ngayon ay muling magsasama sina Bela at JC sa pelikulang kung saan mismong si Bela ang direktora, ang “366” pero by this time ay may isa pa ring aktor ang involved, si Zanjoe Marudo.
Hindi na rin naman bago para kay Zanjoe na makasama si Bela sa project pero sa pelikula ay first time nilang magsama with matching JC pa.
Ano kaya ang feeling ni Zanjoe sa pagkakasama niya sa dalawa?
“Malaking challenge for me na yung mga kasama ko, established tandem na on screen at ang dami na nilang nagawang pelikula before. I’ve worked with Bela on TV, but this is our first film together, so kailangan kong sabayan sila ni JC for the movie to work well,” say ni Zanjoe.
And speaking of first time, sa unang pagkakataon ay sumabak si Bela sa pagiging direktora sa movie nila. Tulad ni Bela, may plano rin kaya si Zanjoe na magdirek ng movie balang araw?
“Yes, may balak din ako pero kailangan ko munang makuha kay Bela yung tapang niya para makapagsimula. Bilib ako sa kanya kasi wala siyang takot na baka mag-fail siya o hindi magustuhan ng viewers ang work niya. I have some materials in mind, but as of now I just want to focus muna on acting and do characters that I haven’t done before. Kailangan ko pa ng more experience before I go into directing,” dagdag na say ni Zanjoe.
“366” is streaming online on April 13 on Vivamax Plus and April 15 on Vivamax.
***
PANGALAWANG pagkakataon lang na magsama sina Elisse Joson at McCoy de Leon sa pelikula, ito ay ang “Sakaling Maging Tayo” in 2019 na magsyota palang sila, at ito ngang sa “Habangbuhay” na magsisimula nang ipalabas sa Vivamax App Plus on April 20, 2022 and on Vivamax on April 22, and by this time ay may anak na sila.
“We were excited to work together again. We were excited to explore each other as actors. Hindi ko akalain na ganito ang magiging resulta. Ang tagal naming hindi nagka-work. Excited kami to show this to you. May mga scenes na hindi namin nagagawa or nasasabi sa isa’t isa in real life, pero nagawa naman namin sa movie.
“In real life, those are the things we wanted to do but we are not very vocal sometimes, so hindi namin na-express,” say ni McCoy.
Ngayon may sarili nang pamilya si McCoy, ano naman kayang masasabi niya sa kanyang partner at ina ng anyang anak?
“Si Elisse, gusto niya palaging best para sa kanyang family. Gusto niya lahat mabigyan ng time, kasiyahan. Ayaw niyang may male-left behind. Nakita ko siya as girlfriend ko and now as a mother. When she’s at home, makikita mo ‘yung priority niya. Si baby Felize. Wala akong masabing kulang. Wala rin akong masabing sobra.
“Sobrang perfect ni Elisse para sa naging anak namin. Thankful ako kay Lord dahil mayroon akong pamilya, mayroon akong partner na tulad ni Elisse at anak tulad ni Felize,” say pa ni McCoy.